Chapter 32
Attempt
Would you go that far for forgiveness?
I felt so ashamed of myself because of what had happened. Nakabalik na ako sa aking suite sa TVP pero nanunuot pa rin sa aking isipan ang nangyari kanina lamang.
Sobrang bilis ng mga pangyayari. It was my sister's wedding. Naganap iyon sa simbahan ng Paoay then we went directly to Pagudpud to celebrate it. I drove my way to Burgos..only to find that my instincts were true.
He was there. Kasabay ng kahihiyang nararadaman ko ay ang alaalang nagkakapuwang sa aking isipan. I kissed him and he kissed me back. Pero hindi ganoon ang uri ng halik na inaasam ko. Hinayaan ko na lamang ang luhang pumatak. Dumiretso ako sa tub upang maglinis ng katawan.
I deserved perhaps the anger dahil hindi biro ang iniwan ko sa kan'yang pasanin nang umalis ako ng Norte upang iligtas ang aking sarili mula kina Uncle Delphin. Sinabing mahal ko siya..para sa huli ay hindi rin pagkatiwalaan at iwanan nang ganoon na lang. After the bath, I covered myself with a robe.
Tinitigan ko iyong painting. Hindi na siya kagaya ng Jake na dati kong kilala. But guess what, Paige? Kilala mo ba siya talaga at kilala ka ba niya?
Pati sa pagtulog ko ay punong-puno ng katanungan ang nasa isip ko. I just got myself a bottle of liquor nang sa ganoon ay datnan na ako ng tulog. Perhaps, I already had no choice but to get myself sober.
Maaga pa kinabukasan nang magising ako. The staff has already served my breakfast. I opted to pay for my stay in the hotel but my sister insisted on it. Nanatili silang mag-asawa dito sa Norte bago sila aalis papuntang ibang bansa for their honeymoon.
Hapon nang makapagdesisyon akong tunguhin ang bahay ng Inang at Amang ni Jake. Makikilala pa rin kaya nila ako? Naroon pa rin ba sila? Nasa mabuti ba silang kalagayan? Miski ba sila ay may galit din sa akin? I drove my sister's car to that town.
The green fields. Lahat iyon ay naaalala ako. I was an impostor then but I have found my peace here. Taon na ang lumipas pero parang wala pa ring nagbago sa lugar.
Matayog pa rin ang mga puno. Marami pa ring tanim na naaayon sa klima ng bansa. Ganoon pa rin ang daan patungo roon. Tumigil na lamang ako sa harap ng villa..at napagtanto na roon ay mayroong pagbabago.
It wasn't the same villa anymore. Kasabay ng pagtitig ko sa kabuuan ng lumang bahay ay pag-usbong naman ng mga alaala. I used to live here.
Mula kahapon ay nakikita ko pa rin si Senyor at ang mga tauhan ng villa. But there were no people there anymore. Nilakasan ko ang loob ko at binuksan ang gate.
Tumingala ako sa villa.. Wala akong natanaw na tao sa loob dahil hindi na rin naman ako sigurado kung mayroon pa bang mga tao na nagtatrabaho roon. Nilakad ko ang bukirin, hindi na alintana kung napuno na ng putik ang sandals na suot ko. Hanggang sa mapunta ako sa ilog. Tinanggal ko ang sandals at tumawid sa ilog gamit ang balsa.
The familiarity of the things I used to do.
Dinala ako ng mga paa ko sa parola, kung saan ko siya iniwan sa gabing iyon. Maliwanag pa rin sa akin ang memoryang iyon. Umakyat ako hanggang sa itaas kung saan tanaw ko ang ilog, ang karagatan at ang malawak na lupain.
Jake used to rule this place, bilang isang boy ni Senyor Anselmo. O maaaring hanggang ngayon ay ganoon pa rin. Siya pa rin siguro ang namamahala sa lugar na ito.
Inabala ko ang sarili roon na parang wala akong inaalalang career, na parang wala akong nasaktang tao sa ginawa ko noon at parang walang nadamay sa naging desisyon ko noon.
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
Любовные романыSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...