Chapter 37

93 4 0
                                    

Chapter 37

Mud


Tulala pa rin ako pagkatapos kong malaman ang tungkol sa bahagi ng pagkataong iyon ni Jake. Kahit yata sabihin niyang ayos lang siya, hindi yata iyon magiging ayos. I could only imagine him at ten years old grieving for the death of his mother then days passed, ang tatay naman niya.

Pagkatapos sa kan'yang mga magulang, sinabi niya sa aking sunod kaming bibisita sa kan'yang angkan doon mismo sa Pagudpud. Bumungad sa amin ang isang mansion sa gitna ng isang malawak na lupain. Nang tignan ko ang nakaukit sa itaas ng entrada ay Cape Vivero ang nakasulat doon.

Una pa lamang, sa pagiging antigo ng lugar, pinaghalong luma at moderno ay gusto ko nang malula. Nakikita ko lamang ang mga disenyong iyon noon sa Europe. Kung sa labas ay halata ang pagiging antigo ng mansion, iba naman ang sa loob. Modernong kagamitan at meron lamang iilan na antigo. Malawak ang espasyo nito at ang lahat ng mga helpers na aking nakita ay unipormado at pino ang kilos.

"Jake, nandito ka pala.."

"Nandito ba si Donya Rebecca?"

"Oo, nasa hardin. Bakit, naparito ka, Jake?" tanong ng katiwala. Nasa boses niya ang pag-aalala at pagtataka para sa bagong dating. Pinasadahan pa niya ako ng tingin.

"Tatawagin ko ba?"

"Sige ho, maghihintay na lang ho kami rito."

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Jake. Tinignan niya ako na parang sinisiguradong wala akong dapat ipag-alala at maayos ang lahat. Ilang sandali lamang at narinig ko na ang boses ng isang Donya. It was in Spanish so I couldn't understand a thing. Nang bumungad siya sa amin ay nabura ang galak sa kan'yang mukha. Lalo na nang sa akin siya tumingin.

Nilapitan naman ni Jake ang matandang babae at nagmano. "Alejandros, hijo. Napadalaw ka? Tinatanggap mo na ba ang inaalak ng Tiyo mo?"

"Nandito ho ako Donya Rebecca upang ipakilala sa angkan ang tungkol sa girlfriend ko."

Lumipat ang tingin sa akin ng Donya.

"Kasintahan?"

"Good afternoon po, Donya Rebecca," pagbati ko.

"Hindi mo sinabi sa akin na magdadala ka ng isang girlfriend, Alejandros? At.. I think I have seen her in a picture before." Sinulyapan niya ako mula sa aking ulo hanggang sa paa bago siya nagtaas ng kilay.

"Oh well, is this even serious.." bulong niya.

"Dadalhin ko na ho ba kayo sa ibaba, Donya?" tanong ng nakaalalay sa kan'yang nurse.

"Alejandros, total ay nandito ka na rin naman, sa makalawa ka na uuwi. Batid ko ay meron kang importanteng sasabihin sa akin pero ipagpaliban mo muna iyan. Hintayin nating makauwi ang Tiya at Tiyo mo."

Ni hindi na ako binalingan ng tingin ng matanda.

"Huwag kang mag-alala. Ganoon ang pag-uugali ng Donya."

"Lola mo siya pero hindi mo siya tinatawag na lola?" takang tanong ko.

Tipid lang siyang ngumiti. Inanyayahan kami ng helper na pumunta na sa silid na tinutukoy ng Donya. Doon kami mananatili hanggang sa makauwi raw ang Tiyo at Tiya ni Jake. Baka nga may pag-uusapan silang importante.

"Anong magkahiwalay kami ng silid, Manang?"

"Mahigpit kasing bilin ng Donya na...hindi dapat kayo magkasama sa iisang silid."

"Bakit? Kakausapin ko siya."

"Jake.." Pinigil ko na siya kaagad sa braso. Wala namang problema para sa akin.

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon