Chapter 10
Distraction
It has been a month since the windmills brought me to the province. But my mind was still lingering on the exact words I had said to him.
It's an easy way out. Iyon ang nasa isip ko habang nasa harap ang aking instructor na sa Ms. Cacpal at nagtuturo. And perhaps, Jake was already laughing at the back of his mind.
Right. You are saving Jadelayza from a future heartbreak but that doesn't give you the right to meddle with it. Na parang malaking kabawasan na iyon sa kasalanan ko sa kan'ya.
Ms. Renee Cacpal was years ahead of us. Ibig sabihin siguro ay nasa early twenties siya. She has been teaching in the college for two years. She possessed that natural Filipina look and she's really really attractive. Lalo na ngayong nakasuot siya ng terno blazer.
"Miss Villalobos, do you have any clarifications regarding our discussion for today?"
"Miss Villalobos?"
"Huh?"
"Teh, anong huh?" Inginuso ni Jigs ang naghihintay na kilay ng aming istriktong professor. Second subject na pala iyon para sa araw na iyon at tapos na ang time namin kay Ms. Cacpal.
"Hindi lahat ng pangarap sa buhay ay nadadaan lang sa ganda-ganda." And the class was dismissed.
Napakurap ako dahil sa gulat. I was so embarrassed. Ilang beses na pala akong tinatawag ng prof pero wala akong kamalay-malay.
Back then, I wasn't the top or the smartest of the class but I am studious. Ayokong sayangin ang panahon at ang pera para mag-bulakbol.
"Anong nangyayari ba sa'yo teh? Para kang lutang buong week ah?"
"Kulang lang ako sa tulog kaya ako inaantok," nakakagat labing sagot ko. "Tinatapos ko kasi kaagad kapag may binibigay na activities."
Nag-iwas ako ng tingin. Inihatid ako kanina ni Jake and I didn't contest to that as I really wanted to find it myself. Sa tingin ko nga, nakasentro ang buong linggong iyon para lang sa isang bagay. And that is to confirm it. And the night where I had first laid my eyes on him popped.
Just out of the blue, it entered my mind!
Jade, what are you insinuating? Na marahil ay totoong si Jake ang naroon sa niyugan sa gabing iyon at si Ms. Cacpal..ang kasama niya?
Kung ganoon ang pag-iisip mo'y, 'di wala ka nang kaibahan sa mga taong nanghuhusga kaagad ng kapwa nila hindi ba? Na bumabase lamang sa isang pangyayari bilang batayan ng pagkatao.
I could really tell that Ms. Cacpal is a good woman. Maalalahanin. Matalino siya, magaling magturo at hindi siya namamahiya ng kan'yang mga estudyante.
Nakangusong sinulyapan ko ang building ng agriculture. Dito siya nag-aral at nagtapos ng kurso sa agrikultura. May posibilidad din ba na magkasama na talaga sila noon pa man?
"Jade! Jigs! Beth! Mabuti at naabutan ko kayo!"
Natigil lang ako sa malalim na pag-iisip nang bumulaga sa harap namin si Jorem. Humahangos siya nang dumating. Ang ngiti niya'y kaagad na napunta sa akin. "Pwede ko ba kayong ayain sa susunod na game ng intertown?"
"Ay talaga?" Si Beth. "Sige, game!"
"Ows! Ikaw. Pasimple ka pa. Gusto mo lang naman na makasama si Jade eh. Umamin ka na!"
"Nakita ko kasi kayo noong nakaraang linggo kaya kako ayain ko silang manood sa susunod. Kukunin ko 'yong van kaya susunduin ko kayo at ihahatid na rin," dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
RomansaSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...