Chapter 34

89 4 0
                                    

Chapter 34

Love

What he said is more than just a confession. Ganoon ba iyon? Nanahimik ako ngunit hinayaan ko ang katawan na mamahinga sa mga bisig niya. Helplessly and hopelessly.

Dinama ko ang kan'yang dibdib. He gives me peace and havoc even if he knows that I could only bring him disaster. Wala akong makapang emosyon sa akin kung hindi ang kapayapaan. Posible pa palang makaramdam ng ganoon sa isang tao. Kahit pakiramdam ko ay sobrang bilis.

And when it's hasty, when it is done rushing, it might end up breaking.

But he's Jake. Hindi ba't ganoon naman na siya una pa lang? Once he realizes his feelings, he comes out to nurture and protect the one he loves. Kagaya ng sa tingin ko ay ginawa niya kay..Jadelayza.

Matapang lang ako sa tingin mo, pero ganoon ba talaga ako?

"Sinabi kong maghihintay pa ako kung kailan handa ka pero pwedeng humingi sa'yo ng permisong halikan ka, Senyorita?" I could feel my cheeks burning. Dahil naaalala kong madalas niya nga akong tawaging ganoon noon.

"It was Jade whom you would call Senyorita," paalala ko.

"Pero ikaw ang tinutukoy ko, Paige."

Nag-init pa lalo ang aking mga pisngi. I guess..no man before had ever made me feel that way. Siya lang. Even if I have met several men in the United States. Siya ang lalakeng una kong minahal. Pagmamahal na hindi ko kailanman inalay sa kung sino man.

"Mahal kita, Paige."

Napalunok ako. Mas matapang siguro akong magsabi nang nararamdaman noon dahil alam kong kinabukasan ay aalis ako. But now, why am I holding back that much?

"Sorry din dahil trinato kitang ganoon. Nagpadala ako sa galit ko at sa selos na rin."

"Nagpadala sa selos? Kanino?" Nagsalubong ang aking dalawang kilay.

Inakay niya ako papunta sa duyan. Ako ang nasa gitna ng kan'yang mga hita habang mistulan siyang nagtatago sa aking leeg. Namumula ang aking pisngi sa magkahalong nararamdaman na hindi ko rin alam kung anong uunahin.

"Nagseselos ako," aniya. Mas klaro na iyon ngayon sa akin. Kahit pakiramdam ko ay nagugulat pa rin ako sa tuwing nagsasabi na siya ng totoong nararamdaman niya.

"Sabi mo may pinagseselosan ka, sino iyon?"

Kung nanonood siya ng TV o miski nagbabasa ng magazines nang tungkol sa akin, maaari nga kayang alam niya kung ano iyong mga lumalabas na issue tungkol sa akin?

None of those were proven true. Pero bakit mahalaga sa akin ang opinyon niya tungkol doon, kahit hindi pa man niya sinasabing alam nga niya ang tungkol doon?

"Gagawa na ba ako ng listahan, hm, Paige?"

"Listahan ng ano? Ng pinagseselosan mo? But we are not in a relationship, masyado pang mabilis ang lahat.."

"Iyong permiso ba na halikan ka, hindi ba kasali roon ang pagbibigay din ng karapatan para makaramdam ng pagseselos?"

"Permission to kiss and permission to get jealous? Magkaiba iyon," giit ko.

"Pwede kitang halikan pero hindi ako pwedeng magselos sa tuwing may kahalikan kang iba ganoon ba?"

Nawalan na ako ng sasabihin. Ayoko man pero I don't want us to dig into my past even if I also want to explain myself and make him understand.

"Sino nga ang mga pinagselosan mo kung ganoon, Jake?"

Hindi siya nagsalita pero humigpit lamang ang yakap niya sa aking baywang. "Kung papayagan mo ako, sa loob na ako ng silid mo matutulog," pagwawala niya sa usapan.

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon