Chapter 8

59 3 0
                                    

Chapter 8

Friends

I knew I had to say I'm sorry. Nakatayo na ako sa harap ng pinto at alam ko rin na nasa likuran lamang siya at naghihintay na pumasok ako.

"Jake," I trailed off.

"Gabi na, Senyorita. Pumasok ka na sa loob baka ang mangyari'y may nakasunod pala sa'yong—" he trailed off once again and I could hint the stifled laugh.

Bumalik ang aking kunot-noo. Ngumiwi ako. Nevermind. Tuloy-tuloy na ako sa pagpasok sa loob. Pagdaan ko sa silid ni Senyor Anselmo sa ibaba ay mapait na lamang akong napangiti.

When are you going to tell them the truth, Jade?

Nagbihis ako ng pambahay at naghilamos bago ako nahiga sa kama. I stared at my own reflection at the mirror and had a deep sigh and slowly removed my contact lenses. It revealed my blue eyes.

This is getting scarier, I thought so too.

Nang hindi ako makatulog ay bumaba ako ng hagdan. I had planned to talk to Senyor Anselmo. Hindi ko pa siya gaanong nakakausap simula nang dumating kami sa villa dahil na rin sa pag-aaral ko.

I am in that position where I shouldn't be in the first place.

Tuloy ako sa pagbaba sa hagdan at walang imik na kumatok sa pinto. It was already quarter to eleven.

Isang-hingang malalim ang aking ginawa bago ako kumatok. "S-si Jade ho ito, D-dad."

Pinihit ko na ang seradura at hindi naman pala naka-lock. Nadatnan ko nang patulog na si Senyor. Nakasandal ang kan'yang likod sa headboard. Nasa bedside table ang isang baso ng tubig at ang kan'yang gamot.

"Itinawag sa akin ni Jake ang nangyari, hija, kaya hindi na rin ako nag-abala. Si Jake, nakauwi na rin ba sa kanila?"

"Kanina pa po siya nakaalis, Dad."

"Ano kung ganoon ang sadya mo, hija? May kailangan ka bang bilhin? Malibang gusto mong pabalikin dito si Jake? Aba'y babalik din iyon sa umaga."

"Hindi po iyon, Daddy," buntong-hininga ko. I held Senyor's hand tightly and kept saying my sorry at the back of my mind.

Isa iyon sa mga gabing hindi ako makatulog. My conscience and my fear kept on haunting me.

"Mayroon ka bang problema? Hindi ka ba makatulog, hija?"

"Dad.." I uttered. Mahina lamang iyon. Umupo ako sa paanan ng kama at hinawakan nang mahigpit ang kan'yang kamay. Kinapa niya ito at ipinatong ang kan'yang kamay, as if reassuring me.

"Bakit, hija? Kung hindi si Jake ang pag-uusapan natin eh 'di ano?"

"Daddy. M-maniniwala po ba kayo kapag sinabi kong nagbago na ang nararamdaman ko kay J-jake?"

"Iyan ba ang bumabagabag sa iyo sa pagtulog, anak?"

"Hindi naman po sa ganoon pero.."

"Sa paanong paraan nagbago, hija? Mas lumalim ba o.."

Jade..You deliberately hugged Jake the first time just to make them believe that you like him that much? Bakit mo iyon ngayon babaguhin?

"Huwag na lang po.."

"Kung iyan ang gumugulo sa'yo hija, ang masasabi ko lang, nauunawaan kong bata ka pa at 'crush-crush' lang ang mga bagay na iyan. Pinapayagan kita ngunit huwag mo munang madaliin ang mga bagay hm? Alam kong masyado ka pang bata para sa bagay na iyan. At alam kong hindi sisirain ni Jake ang tiwala ko. Bumalik ka na sa silid mo nang makapagpahinga ka na, hija."

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon