Chapter 12
Crossed
Give yourself a time frame. Within that time frame, you acknowledge that you are currently feeling that kind of emotion. You acknowledge where you are coming from. Anger.. Loneliness.. Frustration and you cry your heart out.
After you cry your heart out, you must remember that the world's function doesn't depend on you, your function in this world does. You should stand and continue. Those are easier said than done.
"Jade."
Nag-angat ako ng tingin sa taong naroon pala. Kung gaano na siya katagal doon ay hindi ko alam. O kung sinundan man niya ako pagkatapos kong tumakbo ay hindi ko rin alam. With the usual outfit I expected him to wear. There's nothing unusual on his expression. There's no hint of pity and I prefer it that way.
Mabilis kong pinahid ang aking luha. Darating ba iyong panahon na hindi na niya ako makikita sa mga ganitong pagkakataon? I don't want to show him the blue-eyed Jade. I don't want him to know about my sufferings.
Jake is not my constant. Iyon dapat ang itatak ko sa isip ko.
"S-sorry," I whispered and bit my lips.
Tumayo na ako mula sa pagkalugmok ko roon sa likod ng sasakyan. I gathered my composure altogether and left the confused Jake. He didn't ask but I did assume that pieces by pieces, he's soon to discover the lies.
Hindi man nagtanong si Jake kung anong nangyari sa akin sa araw na iyon, alam kong unang-una pa lang ay nagtataka na siya sa kinikilos ko.
Iyong araw na binisita ako ng bangungot habang lulan ng tricycle, he never said a thing to Senyor Anselmo. Dahil kung may sinabi siya, nagtanong na sana sa akin si Senyor. At ngayon, ang biglaan kong pagtakbo..because I remembered something from my childhood.
The evening after the volleyball tournament, I told myself that life must go on. Hindi ko na pinansin si Jake kahit naroon siya upang sunduin sila Janna at Lyka. I don't think I could face him pagkatapos niya akong makita na parang batang iniwan ng magulang. Although hindi rin maiiwasan na hindi kami magkita dahil nasa villa lang din siya.
Ang hindi ko inaasahan ay ang pagdalaw ni Jorem kinabukasan dahil wala naman kaming klase. Bumati siya kay Senyor Anselmo at pagkatapos ay may dapat daw siyang sasabihin sa akin.
Tumikhim siya. As a visitor, he was offered with snacks by Yaya Ope. Pero mailap talaga ang matanda sa kan'ya.
I was waiting for whatever word he'll have to say. When he couldn't say it, inaya ko na lang siyang pasyalan ang farm habang kumukuha siya ng buwelo na sabihin iyong sasabihin niya.
"Bakit hindi mo na lang ako tinext kung may sasabihin ka pala, Jorem?"
"Gusto ko lang sanang personal na itanong sa'yo ito."
"Ano iyon?"
"Pwede ba kitang ayain na lumabas mamayang hapon?"
"Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?"
Nagkamot siya ng ulo. "May alam akong kakabukas na restaurant. Pwede nating subukan."
"Iyong mga kaibigan mo ba, hindi mo ba sila kasama? Nakakahiya naman tsaka ang dami pa nating pending na gagawin..hindi ba?"
"Pero pag-iisipan mo naman hindi ba?"
Nagkamot siya ng ulo. Hanggang sa magpaalam si Jorem na aalis na ay nagtataka pa rin ako sa mga kinikilos niya. Napapitlag ako harap ng villa nang lumabas mula sa bukirin si Jake sakay ng kabayong si Alvar. Muntik na akong masamid. Buti na lang tumunog iyong phone ko. It came from Jorem. Sinagot ko iyon.
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
RomanceSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...