Chapter 22

70 4 1
                                    

Chapter 22

Birthday


We could say that it's exactly like that as we are wearing different shoes even though we are walking in the same lane and we are heading in different directions none of us is sure about.

Nakatitig lang ako sa kan'yang likod, kagat-kagat ko nang mariin ang aking labi. Mistulan akong napako lamang sa aking kinatatayuan, unable to say any word. Ang pangalan niya'y kusang lumabas sa aking labi. I was so tempted to go after him and explain what he had seen but I knew it wouldn't be that easy.

But Jake, he would rather sacrifice himself. I know he doesn't want this if he comes to know about it. Neither do I. Neither the two of us. And people.. sometimes do what is against their morals not because they wanted it but because the situation forced them to.

"Jorem, susunod ako sa usapan but please give me a day. I would have to come up with an excuse to my..my father."

"Kung ipapaalala ko lang sa'yo ang consequence nang hindi mo pagtupad, Jade."

"Alam ko.. At..at susunod ako."

Inisip ko ang araw na iyon. I would have to use that day to tell or to beg for Jake to listen. Kahit na ano pang silbi ng pagsasabi ko ng totoo kung maaaring sa isip niya ay may nahihinuha na siya sa lahat ng nangyayari?

But I don't..really care about what other people would say about me.. What matters is Jake. Siguro ganoon lang talaga ang pananaw ko ngayong alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. I trust him and he's my safe space.

But would it still be a safe space if just like anyone else in the room, he would judge you?

It was five in the afternoon. Hinintay ko sa bahay nila si Jake. But after he had seen the kiss, hindi ko na siya naabutan. Ni hindi siya lumingon nang tinawag ko siya nang ilang beses.

"Neng, kalalabas lang niya ng kulungan kanina nang magsabi siyang pupunta siya ng villa, nagmamadali eh. Pero tahimik na nang umuwi rito, parang masama ang timpla, nang tanungin ko siya kung saan siya pupunta, ang sabi'y sa laot daw. Pumalaot siya mag-isa niya at hindi pa nakakauwi," sambit ng inang niya.

"Ganoon po ba? Maghihintay na lang po ako rito kung ganoon."

"Baka naman nangungulila na siya sa mga isda," his amang teased.

"Ay, Pedring, tumahimik ka nga. Maghintay ka na lang dito kung may sasabihin kang importante, ineng."

"Sige ho," bigong sambit ko.

I stayed in front of their house, sa kanilang tarangkahan, hanggang sa umabot na ng alas-otso pero hindi ko pa siya namamataan magmula pa kaninang sinabi ng inang niya na pumalaot siya mag-isa niya.

Lumipat ako sa pwesto ni Alvar at umupo sa bangko. Hinaplos ko ang ulo ng kabayo. Nakapaghintay ako nang ilang oras, kaya ko pang maghintay. "Napano na kaya iyong amo mo ano?" I asked hopelessly.

Lumipas pa ang ilang oras pero hindi pa siya umuuwi. Inanyayahan na rin ako ng matandang mag-asawa na roon na mag-hapunan na siyang malugod ko namang tinanggap. Sumunod na lang ako nang matapos akong tumulong sa paghuhugas.

Wala iyong bangkang palaging naroon sa dalampasigan. So it was true that he really went at sea. Pero anong oras na, hindi ba siya nauubusan ng krudo roon kung kanina pa siya nagpunta? Anong ginagawa niya mag-isa sa laot?

I was walking in circles. Tanaw na tanaw ko lamang ang walang kasiguraduhang baybayin. Umupo na ako sa buhangin at pinanood na lamang ang mga alon. I couldn't really let the day pass without talking to him.

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon