Chapter 49

185 3 2
                                    

Chapter 49

Emerald

"Paige..walang pagdududang gagawin ko iyon nang paulit-ulit, kahit hindi mo hingin, dahil mahal kita. Mahal na mahal kita, Senyorita."

Undeniably and undoubtedly, I believed in his words. Hindi na kagaya noon. The two years of being apart made me realize a lot of things. Pero sa dalawang taon na iyon, pumasok din sa isip ko na, habang ginagawa ko ang paghilom na gusto ko para sa sarili ko, naroon siya at nilagay sa panganib ang sarili para sa kaligtasan ko.

Ilang sandali lang nang kinuha niya ang aking mga braso at ipinatong sa kan'yang leeg saka ipinalibot ang mga hita sa kan'yang baywang. He carried me to the bathroom, prepared a hot bath then made me rest in between his thighs.

I immediately pulled him to hug him tightly — to ease the worries I'll forever carry in my memories but through his presence at that moment, I was able to calm down.

This is peace. This is indeed peace.

Nang matapos ang pagligo ay muli niya akong binuhat papunta ng silid. That becomes his routine just like what he did in Batanes. After doing the deed with him, he'd carry me to the bathroom and we'd wash together.

Nahuhulog na ang talukap ng aking mga mata dahil sa marahang paghaplos niya sa aking buhok pero pinipilit ko pa ang sarili na dumilat dahil ayokong magising na wala na siya sa tabi ko kinabukasan.

Kahit nararamdaman ko na ang pagod at ang matinding kagustuhan na matulog at maidlip sa kan'yang dibdib ay hindi ko magawa.

"Where are you staying here in New York?" inaantok nang sambit ko.

The weather..his warmth..the cozy bed just made me sleepy. Subalit nilalabanan ko ang antok. I don't want to sleep and wake up the next morning and realize that everything is just a dream. At ang totoo ay naghihintay pa rin ako ng balita mula sa Pilipinas tungkol sa kan'ya.

"Sa isang kasamahan.." bulong niya at hinaplos ang aking buhok.

"Tulog ka na, hindi ako aalis. Babantayan lang kita, Senyorita."

"You stay here with me," sambit ko. "Please?"

Hindi siya sumagot pero batid ko lang ang paghalik niya sa aking noo. Parang sinasabi sa akin na totoo iyon at hindi nga siya aalis.

"You promise. You'll still be here the moment I wake up."

"Oo nga, Senyorita. Tulog ka na," malambing niyang sinabi.

"No, you promise me first," I murmured.

"Pangako, Paige."

Nakatulog ako sa sinabi niyang pangako. In my dreams, naroon pa rin siya. Ayoko nang magising dahil pakiramdam ko totoong-totoo ang panaginip na iyon. I felt the warmth his arms emit. At dahil nakapangako siya bago ako maidlip ay parang.. parang sinasabi sa akin na kahit gaano man katagal, nasa tabi ko pa rin siya paggising ko.

I don't have to worry about him leaving..

I slept soundly. The most decent sleep I had in two years. Pero nagising ako sa isang bangungot. Hindi ko alam kung paano napunta roon.

Was it because I felt an empty space beside me? Hinahabol ako at ang patutunguhan ay ang gubat. Tinakbo ko ang gubat na iyon. I could see the light from where I was. Tinungo ko iyon at ang karagatan ang bumungad sa akin.

At sa karagatan..isang bangka.. The boat exploded.

"Noong nakaraang taon pa, sumabog ang bangkang sinasakyan ni Jake at mula noon.. hindi na namin siya nakita. Ang apo ko!"

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon