Chapter 9
Confusion
What were you thinking, Jade?
It was so humiliating. Baka ang iniisip niya'y pinagtataguan ko siyang talaga at baka naman ay iniisip niyang hinihintay ko siya roon? Alin na lamang sa dalawa pero nakakahiya!
Napatayo na lang ako nang bigla niya akong higitin sa aking palapulsuhan. And I have realized I wasn't wearing my contact lenses! That got me even more in panic! I tried to calm myself and forcefully freed myself from his grip.
"Senyorita," aniya na nanantiya ang boses. Magkahalong pagkamangha at gulat.
I don't need countless phases of embarrassment. Ganoon na lamang ang mabilis kong pagtakbo pabalik sa aking silid nang hindi lumilingon sa kan'ya. Inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng activities ko para lang huwag pumasok sa isip ko iyon.
Everything happens in a fastened phase.
Dumiretso na ako ng balkonahe nang hindi pa ako dinadalaw ng antok. It wasn't my responsibility to tell him about my whereabouts. At mismong pagtingin ko sa ibaba, kung saan naroon ang swing at ang niyugan, tumindig na naman ang balahibo ko kaya bumalik na lang ako sa silid.
Tinapos ko na ang ginagawa kong plates upang huwag maisip ang mga nangyayari. It is my one way of diverting attention.
Hindi dapat ako makaramdam ng guilt. Nakapagpaliwanag na ako kay Senyor Anselmo, tama na iyon. And he didn't bother asking after all. It's also understandable dahil hindi ko magamit iyong cellphone ko.
This feeling that I have towards him. Fear. Guilt. Na habang tumatagal ay mas lalong lumalala.
You knew it wasn't only because of a single instance, Jade.
Walang pagkakaiba sa guilt na nararamdaman ko dahil nakaligtas ako at narito sa kalalagyan sana ni Jadelayza. Walang pinagkaiba sa konsensyang kumakalabit sa akin palagi.
Kinabukasan, araw ng Linggo, si Senyor Anselmo na mismo ang nagtulak sa akin na sumama sa mga dalagitang naninilbihan din sa mansion. Si Janna at si Lyka. Dahil wala naman na akong gagawin dahil tinapos ko na ang kailangan kong gawin, sumama na ako. Napag-isipan ko rin na isasabay ko na lamang ang pagsasaayos ng cellphone kahit hindi ko naman masyadong ginagamit iyon.
"Hindi na ho tayo magpapahatid kay Manong Jake, Senyorita. Sasakay na tayo ng tricycle."
"Mabuti nga iyon!" sambit ko. Nagtaka silang dalawa. "I mean, alam nating marami siyang kailangang gawin. Makakaabala lang tayo."
"Hindi naman ho marunong tumanggi si Manong Jake basta pinapaalam sa kan'ya. At tsaka nga pala, akala namin hindi ka papayag para sa araw na ito, Senyorita."
"Wala naman na akong gagawin tsaka huwag na lang din ninyo akong tawaging senyorita. Halos magkakaedad din naman tayo eh," ngiti ko.
Nang maalalang panandalian lang ito, lumukob kaagad sa akin ang lungkot.
"Tawagin niyo na lang akong Jade."
The two girls were almost my age. Mas matanda lang siguro ako sa kanila ng isang taon.
"Sige pero nakakahiya pa rin ho ang Jade."
"Sige na. Para namang malaki ang pagkakaiba natin. Jade na lang."
Alas-otso nang makarating na kami sa sentro ng bayan upang makapagsimba. Pansin ko sa kanila ang kagustuhan talaga nilang makasama ako sa araw na iyon.
"Sobrang ganda siguro ng mommy mo 'no?" wala sa loob na sabi ni Janna.
Siniko siya ni Lyka. "Nakalimutan ko," depensa naman ng huli.
Pinagkibit ko lamang iyon ng balikat. Pagkatapos naming magsimba, dumiretso naman kami sa isang food court. At nagprisinta ang dalawa na sila na raw ang manlilibre sa akin.
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
RomanceSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...