Chapter 16

69 3 1
                                    

Chapter 16

Drunk


Would he still believe me?

As I recall those moments with him at that balcony, I couldn't help but to just drown in embarrassment. I kept on reminding myself, na kung mahuhulog ulit ako sa mga emosyon na iyon, hindi na sa presensya niya pero siya itong sumusulpot sa mga pagkakataon na hindi ko kailangan ang kahit na sino.

Were you even aware of the words that came out of your mouth that night, Jade? Perhaps, it meant nothing to him..But for me, it is something that I couldn't take back. One of utterances' characteristics. We can't take it back once it has been said.

Isa lamang ang sigurado sa mga oras na iyon. Hindi ko mapanindigan iyon dahil kinakalaban ko na ang matinong bahagi ng isip ko.

Nasa kamay ko na ang locket na hindi ko alam kung paano niya nahanap. Nakaawang ang aking labi habang pinapanood ko siyang nagtitiim ang bagang. Then he tilted his head. Hinawi niya ang kan'yang buhok papunta sa likod.

"Kung iyan ang gusto mo," he said with a hint of..disappointment. I nodded and I just watched him, and found his way back downstairs. I held the locket in my palm tightly.

He climbed all the way up to the balcony, amidst the pouring night, just to give me back what I have lost. But what I have said was more than just telling him that I like him.

"Janna, hindi mo ba nakita na pumarito si Jake? Parang merong mali na wala rito iyon."

"Ah eh pati nga ho ako, nagtataka kay manong. Pero baka abala lang po siya sa kabilang farm?" sagot naman ni Janna.

"Aba'y may ipapasabi pa sana ako kay Jake," si Senyor Anselmo.

Tahimik akong ngumuya ng pagkain. We were at the dining table. Sabay kaming kumakain kasama ng mga tao sa mansion dahil iyon ang kagustuhan ni Senyor Anselmo.

"Si Jake sana ang uutusan kong makipag-usap doon sa sinasabi kong event organizer at dalhin dito sa villa para sa debut mo, hija."

"May debut ho, Senyor? Sana eighteen candles kami ni Janna!" Lyka beamed.

Tumingin sa akin si Yaya Ope. "Magdidisi-otso anyos ka na pala, Jadelayza, hija."

Nakagat ko ang aking labi. "Baka sa masyadong subsob mo sa pag-aaral, hija, ay nakakalimutan mo na ang petsa ng iyong kaarawan?"

"Hindi naman ho, Senyor."

"Osiya, kapag pumarito si Jake, Ope. Sabihin niyo'y may kailangan akong ipakausap sa kan'ya."

Pero walang Jake Alvarez na nagpakita sa araw na iyon. Ang sinabi ko sa kan'ya ay huwag niyang sundin ang utos na may kinalaman sa'kin pero bakit kailangang kasama ang trabaho niya sa farm?

Oh eh bakit ngayon..absent siya? May kinalaman ba iyon sa sinabi ko sa gabing iyon? But I specified it!

Hindi ba at iyon naman ang hiniling mo, Jade? Bakit iba na ang lumalabas sa labi mo ngayon? You asked for that kind of consequence as a way for you to forget your feelings for him and now that he's giving it to you, ikaw naman ang..I just bit my lower lip.

Malaki ang impact sa villa ang kawalan ni Jake. Umaga, at alam ko ring hindi na kagaya noong una. Walang maghihintay na Jake sa pick-up at ipipilit pa rin ang gusto na ihatid ako. Naroon ang pick-up pero wala si Jake doon. I don't even know kung pumupunta pa siya sa villa.

Besides, it has been a week. Siguro..kapag wala ako. Hindi naman niya maaaring pabayaan ang mga hayop na inaalagaan niya roon.

"Senyorita Jade, tutulak na ho ba tayo?"

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon