Chapter 1
Run
"Jade! Jade!"
I ran as fast as I could. My whole body trembling in fear. Nasa isip ko ang mukha ng mga lalakeng iyon. Mas lalong lumala ang takot na nararamdaman ko. Hindi ko na alintana ang nadadaanan ko o kung saan na ako nagsusuot nang sa ganoon ay makatakas.
It was luck or perhaps it wasn't my time yet. O kung maaari nga kayang 'He won't let me die that way'.
Nangangatal ang aking labi habang ang aking mga kamay ay nanginginig. Pinipilit na pagtagpuin ang punit na blusa. Bakas sa aking damit ang kamuntikan nang nangyari kung hindi lang ako nakatakas. At hindi ko kayang isipin ang posibilidad ng bangungot kapag nangyari ang pagtatangka ng lalakeng iyon.
I was sobbing while running for my life. I was holding on to the only sanity I had at the verge of fear and trauma.
Mainit ang luhang dumadaan sa aking pisngi. Wala iyong katapusan sa pagtataka ko. I even had no idea where I was heading. O kung may pupuntahan man ako para hingan ng tulong. I was heading to nowhere. Ang tanging nakikita ko'y iba't ibang direksyon na hindi ko alam kung saan patungo.
Nakasilip ako ng pag-asa nang sa hindi kalayuan, natanaw ko ang police station. Naisip kong doon magtungo upang humingi ng tulong. I think that it's the only possible way for me to ask for help.
I wiped my tears harshly and composed myself bago ako dumulog sa women and children's desk. Pero matabang mamang pulis ang naroon. I had no choice. I have to report.
Iyon ang akala ko as it was made and established for people's safety and security. Kahit nanginginig ang aking katawan, sinubukan ko pa ring umupo sa silyang naroon at sa paputol-putol na boses ay sinubukan kong ilahad ang muntikan ng bangungot.
"S-sir, tulungan po ninyo ako. A fake talent manager tried to—"
Pero imbes na sabihin ang nangyari'y humagulgol na lang ako ng iyak. Niyakap ko ang aking sarili sa pagpipigil na huwag mawalan ng malay doon. Pero hindi pa man ako tapos nang tumunog ang telepono. Inangat iyon ng mamang pulis at sinagot ang tawag. Ang matang kaninang may pagtataka ay nahaluan ng malisya.
I shuddered and my lips parted. Napatingala ako nang bigla siyang tumayo, dumiretso sa labas at sandaling nagpalinga-linga. Ang kasama niyang pulis ay kaiba rin kung tumingin. They were eyeing me like I was some kind of an object, hindi bilang isang tao. Hindi bilang isang agrabyadong humihingi ng tulong.
Napahigpit ang hawak ko sa aking punit na blusa sabay tingin sa pinto. Nang bumalik ang mamang pulis na may matabang tiyan ay nagmamadali na akong tumayo at akmang paalis na nang hawakan niya ako sa aking braso. Ang ngiti sa kan'yang labi ay parang sa isang demonyo. Kagaya rin ng lalake kanina.
"Napakakinis mo, Miss. Mamula-mula ang pisngi. Parang may halong banyaga ah? Ang swerte naman natin at napadpad ka rito," he maliciously brushed his disgusting fingers on my cheeks. Pumalag ako at sinubukan siyang kalmutin sa mukha.
Ang kasamahan niyang pulis ay mala-demonyong tumatawa.
"Bitiwan niyo ako! Aalis na ho ako!" sigaw ko at sinubukan pa uling kumawala. Pero wala iyong saysay dahil mariin ang pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan.
I felt so violated. I felt so hopeless. Walang matakbuhan.
"Magkano, Miss? Hm? Magkano?" dagdag niya.
I blinked back the tears. Hindi ko gugustuhing ipakita na mahina ako sa mata nito.
"Diez mil, total naman ay primera klase ka. O dagdagan natin. Bente mil? Ano, Miss?" patuloy niya, ang kan'yang kamay ay humahaplos sa aking braso.
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
RomansaSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...