Chapter 28

73 4 0
                                    

Chapter 28

Found


The speculations got even worse when the media came to know about Mace's arrival in Spain and his vacation for two days. Sa loob ng dalawang araw na iyon, napag-alaman din ng media na ako ang pinunta niya roon.

The scoop got huge as we were photographed discreetly. Isang araw lang naman iyon dahil ang plano ay pupunta ako sa kasunod na bansa na nasa aking listahan upang sulitin ang aking natitirang bakasyon. Pero hindi iyon nakasama sa report na inilabas ng isang tabloid.

It says there that we spent the vacation together and I got to meet his family prior to that. Kaya mas lalo pang lumaki ang haka-haka ng lahat na ako nga ang dahilan ng tuluyang paghihiwalay nila ni Camilla Lancaster.

And because it got huge, the bashing was also unstoppable.

Paulit-ulit na akong kinokontak ng aking agent habang nasa bakasyon because the fans even on social media are throwing nonstop hate comments.

Mabuting desisyon din para sa akin na hindi nagbukas ng kahit na anong social media account upang alamin ang nangyayari because I knew it would be all about the cheating issue.

Tinatawagan din ako ni Les upang siguraduhin na maayos ako sa kabila ng mga nangyayari. I kept on telling her that I am okay and I haven't opened yet my social media accounts kaya wala pang dapat ipag-alala.

Self-proclaimed bitch

Two-timing whore

Gold-digging slut!

A supermodel wannabe

You are just a pretty face with no substance at all

Camilla Lancaster is better than you

Paige Legacy has the face but we couldn't deny the fact that she cannot model

And the tsunami of hate comments continues..Napapikit ako habang binabasa iyon. Oo nga at hindi ko pa binubuksan ang aking social media accounts pero inalam ko ang mga nangyayari sa pamamagitan ng aking pribadong account at halos manlumo rin ako.

It was outright rage and hatred. Iyon ang mga nakapaskil na aking nakikita sa internet.

Pinaulanan din ng kung anong hate comments ang comment section ng aking isang post. It was just a picture of me years ago, sa Barcelona rin. Pero dahil sa news na matagal na raw kaming dalawa ni Mace at na matagal na rin ang panlolokong nagaganap kay Camilla Lancaster sa kasagsagan nilang dalawa ni Mace.

You can rot in hell, Paige the supermodel.

She's a part-Filipina pala? Nakakahiya

Pinikit ko ang aking mata, umaasa na sa aking pagmulat, magagawa ko ulit na isawalang-bahala ang mga komentong iyon. Media outlets also in the Philippines are reaching out to me for an interview, that's for how many years already pero hindi pa ako nakakabalik ng bansa..and I think I have to gain strength for that.

Once it has been leaked there, it will stay there. Pagpipiyestahan na iyon ng mga tao at kahit na ano pang gawin, hindi na iyon mababawi.

Mananatiling sarado ang isipan ng iba at hindi bukas sa kahit ano mang paliwanag at katotohanan. They only believe their own version of truths, exercising the power to control someone's lives.

Bumalik na rin sa aking condo ang aking personal assistant at sa mukha pa lang niya ay alam ko nang naghahalo sa kan'ya ang simpatya at pagtataka sa mga pangyayari. I never said a thing to clear the issue. I never said a thing to contradict those allegations.

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon