Chapter 44

98 4 0
                                    

Chapter 44

Danger

"Paige, kumbinsihin mo pa ako. Subukan mo pa.. hanggang sa mapaniwala mo ako," he whispered before he claimed my lips.

Tears were momentarily escaping. It felt so heavy in the last few days. Nanlalamig ang aking katawan dahil sa ihip ng hangin. But when he inched closer, even if I try to deny it with my attempt to push him, the weights have been lifted.

I don't want him near but my heart needs him. Is it because I have only loved him? Kaya wala nang kahit na sinong makakabura ng nararamdaman ko sa kan'ya. Even in the last few years, I have kept him in my heart and in my memory.

"Tangina, kahit na ano na yatang sabihin mo, hindi na magbabago ang nararamdaman ko. Kahit saktan mo pa ako sa pagtaboy at sa mga salitang iyan, ganoon pa rin. Kaya huwag mo nang subukan pa, Paige." Nagmamakaawa niyang sinabi pagkatapos ng halik na iyon.

Sobrang higpit ng kan'yang yakap kahit hindi ako gumaganti at parang poste lamang na nakatayo roon. It felt like the hug was meant to tell me to stop hurling insults at him already.

Kasi kahit anong sabihin ko, nandito pa rin siya at hindi sumusuko.

"Jake, hindi mo ba maintindihan?" Kumawala na sa akin ang hikbi. Nahihirapan akong panindigan ang desisyon kasi alam ko ring nahihirapan siya. But what else can I do?

"Magkaiba tayo ng mundo. Hindi maganda ang pagkakakilala sa akin ng pamilya mo. May.."

"Mas mahalaga pa ba iyon kaysa sa atin, Paige?"

"How many times do I have to repeat myself, Jake?"

"At ilang beses mo ring kailangang kwestyonin ang pag-ibig ko sa'yo?" he whispered painfully.

My heart hurt even more. Sinubukan kong kumalas sa yakap na iyon kahit kung pwede lang na doon na lang ako. I wanted to tell him that I'm already tired. Pakiramdam ko kapag hindi pa ako nakawala roon ay baka hindi ko na kayanin sa susunod na lumayo sa kan'ya.

I am trying to be brave and thinking about those external factors we are about to face. We don't need my selfishness. Pero bakit ganito? Bakit sobrang hirap niyang paniwalain sa mga bagay na kailangan niyang intindihin?

"I am not the woman you wished for, Jake. I am not the woman you have been waiting for. I was an impostor. A gold digger. A scam. A slut for having interactions with different men. The worst reputation with questionable background. Ano pang hindi mo maintindihan sa mga salitang iyon?"

I won't probably explain myself to him anymore. Kung maniniwala siyang ganoon nga ako, mas madali na lamang sa kan'ya ang pagtalikod sa mga ito. I need him to turn his back because I've done that already but he still kept on chasing.

"I will go back to New York, the city is waiting for me. Doon ang buhay ko, Jake, at hindi sa probinsya. I don't want to compromise for this relationship. But thank you.. thank you for loving me."

Nanghina ang aking katawan nang tuluyan na akong kumalas. His warmth comforted me. As if giving me so much restrain in pursuing my decision. His words that gave me lullaby, the comfort I need for such a cruel world.

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa backstage o kung ilang minuto na akong wala. Tapos na ang concert. Hinahanap na rin ako ni Mace. Inayos ko sandali ang aking mukha sa cubicle. Hindi ako pwedeng humarap sa mga picture na galing lamang sa pag-iyak.

Nakahinga lang siya nang maluwag nang makita na niya ako sa backstage. Pumunta siya sa akin. I have already composed myself a while back. Pinahid na ang luha at ang ngiti ay nasa labi na.

"You should have listened to the record song but you suddenly disappeared at the front seat. What happened, Paige?"

"Nothing. I just went backstage because I couldn't breathe," I reasoned out.

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon