Chapter 41

92 3 0
                                    

Chapter 41

Roses

"Binigyan na kita ng dalawang linggo upang makapag-isip tungkol sa ating dalawa. Hinayaan na kitang huwag akong kausapin o kahit pansinin man lang para sa huli ay sabihin sa akin na walang tayo kahit hindi ka pa nakikinig sa paliwanag ko, Senyorita? Sa tingin mo papayag ako sa gusto mong mangyari?"

Nakatitig lamang ako sa kan'yang mukha at hindi rin makapa ang tamang salita para panindigan ang sinasabi.

What do you want to tell him then, Paige? Tell what Miss Renee Cacpal told you? Kung paniniwalaan mo iyon, eh 'di mas lalong naging katulad ka na rin ng ibang tao? Nang hindi kailanman tumatanggap ng paliwanag mula sa kan'ya?

Gustong sumuko ng puso ko at maniwala sa kahit ano mang sasabihin niya. But my experiences in life told me not to. That it is scary. Nakakatakot ang magtiwala at ibigay mo ang lahat sa isang tao.

I got so tired of talking and I knew it would be hard for me to talk about that matter. So I opened the door, hinayaan na siyang pumasok sa loob ng condo. I don't want to burst outside of the condo unit and be captured having an argument with my.. driver-bodyguard.

"Ano pang dapat pag-isipan sa relasyon na meron tayo, Jake?" I said. "Well we could label that as.. fuck buddies in a short period of time and we should agree that it's over now."

"Narinig mo ang sinabi ko, Paige, hindi ako makakapayag."

"Anong hindi ka papayag sa gusto kong mangyari? It would be easy for you to fool me more with my deliberate participation? Ganoon ba iyon, Jake? I said.. I'm sorry. Sa pagkawala ni Jadelayza. You are a part of a certain organization, right? Madali na lamang sa'yo ang paimbestigahan ako. Do it, Alvarez, so we could get this over with."

Even if I try to shove him away, mas malakas ang kan'yang pwersa na konting pagtulak niya lang sa pinto ay bumukas na kaagad iyon kahit pwersado ko pang itulak. Akmang isasara ko na ang pinto ng aking silid nang desperado siyang sumunod at pigilan ang pagsara n'on.

That's the last rope of my patience. Kaya sinara ko na lamang nang malakas ang pinto sa aking likod. Nagmartsa papunta ng sala saka siya hinarap.

"Anong gusto mong pag-usapan pa natin kung ganoon?" I threw my bag on the center table, not really minding his presence. "Ano pa ang dapat nating pag-usapan, Alvarez?" ulit ko.

Umupo ako sa may couch at sinuklian ang kan'yang nagbabagang titig. Inilibot niya ang kan'yang mata sa condo. He wouldn't see any of my paintings because I have left it at New York at nasa loob ng silid ko iyong dalawa. Hindi dapat niya makita iyon.

"Pag-usapan natin ang plano mo?" I taunted.

Napahilamos ako sa aking mukha at nagpakawala ng buntong-hininga. He remained silent pero kitang kita ko ang nag-uumigting na ugat sa kan'yang braso, ang kan'yang namumulang dibdib at nag-iigting na bagang. He was restraining his control.

"Ano ang sinabi sa'yo ni Renee? Hanggang saan ang sinabi niya sa'yo, Paige?"

"You ask her. If we are going to talk about what she has said, you can just simply ask her. Hindi mo na dapat sinayang ang oras mo sa pagpunta rito."

"Paige," mas seryoso na nitong sinabi. Akmang lalapit pero hindi alam kung paano. "Paano natin maayos ito kung ayaw mong makinig ng paliwanag?"

Umahon ang galit sa puso ko. Lahat ng pagod sa nakalipas na mga taon na sa tingin ko ay hindi ko na kaya pang kontrolin pa iyon. I trust this man so much. I treated him my safe space. I love him so much.

Pero bakit ganito? Bakit ang hirap naman palang magmahal?

"Explanations, you say? Simple lang Jake, if love is not the reason why you decided to be my bodyguard, what is it? Please, do not fool me this time! Naniniwala ka ba talaga sa akin at sa sinabi ko? Or do you honestly believe that I deserve what I went through because I did you wrong or perhaps.."

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon