Chapter 14

57 3 1
                                    

Chapter 14

Scenery


Would you ever believe an old man with Alzheimer's disease?

What if ang sanggol na iyon ay hindi pala ang hinahanap kong kapatid ko? But he said that I remind him of that someone. Kung paano niya nasabi iyon ay hindi ko alam.

Kahit imposible, kumapit ako sa pag-asang iyon. Nagkaroon ulit ako ng rason para magpatuloy.

It was already enough signs for me to confess all the lies. Hindi ko na kailangang magtagal sa mga kasinungalingan. I should and I will confess the truth to Senyor Anselmo. Anuman ang mangyari dahil iyon ang nararapat.

Dumaan muli ang dalawang araw bago ang bagyo and we were back to the college. Nag-iipon na lang ako ng konting pamasahe mula sa allowance upang siyang gagamitin ko sa weekends. My mind was already focused at one thing: ang paghahanap ko sa kapatid ko.

I looked at her baby picture kept inside the locket. It was our father's only greatest treasure.

Inaasahan ko na rin na may magbabago sa pakikitungo namin sa isa't isa ni Jorem. It was so awkward. Halos hindi kami magkatinginan sa mga mata.

Lagi na kasi ay palagi siyang lumalapit upang magtanong kung tapos ko na ba iyong assignment ko o mag-aaya ng meryenda pagkatapos ng klase. Nahahalata na rin iyon ng mga kaklase namin.

Pati na sina Jigs at Beth na parang tinatantya kaming dalawa ni Jorem. Subalit ganoon pa rin naman ang pagtrato ko sa kan'ya. Ganoon pa rin naman ang tingin ko sa kan'ya, kaibigan pa rin naman.

I remembered that the days are passing. Alam ko rin na konting panahon na lang din ang bibilangin ko and I would have to leave this place already. Ayokong magdulot pa ng mas maraming gulo bago ko lisanin ang probinsyang ito.

"Mag-usap nga kayo ni Jorem, Jade. Parang may mali eh . May alam ba kayong hindi namin alam?" si Jigs.

"Wala. Wala naman sa tingin ko."

They were all urging me to talk to Jorem. Dahil halata raw ang 'awkwardness' na nangyayari sa pagitan naming dalawa. At ang obvious na pag-iwas sa akin nito. Kaya naman hindi na maiwasan ng mga classmates namin ang magtanong lalo na at common knowledge daw sa kanila na may gusto sa akin si Jorem.

"Baka naman nanliligaw na? Pero keep it private? O baka naman kayo na?" sulsol ni Beth.

"Jorem, nanliligaw ka na ba?"

And they all teased him. Sinaway ko si Beth. Ang malala pa ay lantaran nila kaming pinaglalapit ni Jorem. While the two of us remained silent. Hindi ko rin alam kung paano ko siya kakausapin kung hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kan'ya. Ngunit pagkatapos ng klase ay nakiusap si Jorem na mag-usap daw kami.

"Bakit, Jorem?" tanong ko.

Siniko ako nila Beth at Jigs. "Ano bang meron teh?"

"Please, Jade?"

"Sige," pagpayag ko.

Iniwan kaming dalawa ni Jigs at Beth. Jorem led me until we get to a restaurant just outside the college. It was already four in the afternoon dahil maagang nag-dismiss ang panghuling klase namin. And Jake will be here quarter to five so I still have time to talk to Jorem. Kung ano man iyong sasabihin niya sa akin.

"I'm sorry dahil nabigla kita noong nakaraan, Jade. I'm really sorry."

"Sorry din if you felt like harsh ako sa nasabi ko. Do you feel that way though?"

"Jade, I really like you. I really do," buntong-hininga niya.

Napakurap ako. My first response would be to ask why. Unconsciously, I whispered why. Nag-angat ako ng tingin nang tumawa siya.

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon