Chapter 20
Prison
Nakatitig lang ako sa pinagmulan ng pulis na iyon. Bumabalik sa aking isipan ang mga karanasang pilit kong tinatakasan. Even up until now..Hindi ko mapigilan sa isip ko ang pagragasa ng mga emosyon. Takot, pandidiri at pagkasuklam.
Naaalala mo pa bang sinundan ka sa bahay ng tiyuhin mo, Jade? And my horrific thoughts started to eat me alive..Hindi ko na alam kung anong una kong iisipin sa mga sandaling iyon.
Jake who was in prison. The threat of a traumatic experience. The malicious comments and stares I have been receiving..
Hindi na maayos ang aking paghinga nang makabalik ako sa villa pero hindi ako dumiretso sa bahay sa sandaling iyon. I just went to the sea by myself. Napalunok ako habang inaala sa isip ko ang mga karanasang iyon.
Could it be that..they are already here? Natunton na ba ako nila Uncle at ano ang mangyayari kung sakali mang makita nila ako rito? Nadagdagan ang takot na nararamdaman ko.
Dahil hindi na lamang ako. May mga taong madadamay, mga taong napalapit na sa akin. Mga taong hindi ko gugustuhing mapahamak. But the moment I was forced to do this, I knew it since then that I am going to hurt them.
Napalunok ako habang sinusuong iyong dagat. My eyes were clouded with traitor tears. Habang humahakbang ako ay ganoon din sana ang paglapit ko sa taong hinahanap ko, sa isang pamilya. Sana kung paanong bumalik ang alon sa karagatan, ganoon din sana ang nanay ko. But it felt like it was so out of reach.
Mahirap ang paglaya sa mga taong nakatadhana nang maikadena. Na ang paglaya sa ilan ay kamatayan ang kahahantungan. But death won't be the end. The burden of sudden death continues to live with those who are left behind.
Nahimasmasan na lamang ako nang umabot na iyong tubig sa aking balikat at napagtantong pigil na pigil ko ang aking hininga.
Gusto kong supilin ang takot na iyon. Gusto kong mamanhid. Gusto ko uling tumakas. Pero anong kasinungalingan pa ba ang sasabihin ko para makamit ang kalayaan na iyon?
I was submerged underwater for how many seconds. Then I realized, at the back of my mind, there's someone waiting for me. That there's something good out there.
Natanaw ko kahit sa ilalim ng tubig ang liwanag na nanggagaling sa araw. And it made me want to raise my hand and lift myself up.
Bumalik ako sa katinuan. And when I tried to reach the light, I learned how to swim..by myself.
Humihingal ako nang pagapang akong umahon sa dalampasigan. Hinahabol ko ang aking sariling hininga. Hindi makapaniwalang nagawa ko iyon.
I nearly..I nearly. My breathing labored even more.
Perhaps, people go through phases not to suffer, but to learn and lift themselves up from those sufferings.
Bumalik sa aking isip ang kalagayan ni Jake nang makauwi ako ng villa. I couldn't stop thinking about it. Hindi ko maiwasang isipin na kasalanan ko nga ang pagkakakulong niya, kahit sabihin ko man na niligtas niya lang ako mula kay Jorem.
Nabigla na lamang ako at nagtago sa likod ng isang puno nang matanawan ko ang pamilyar na van sa harap. Lumabas mula roon ang nakilala kong tatay ni Jorem.
Bumilis ang takbo ng puso ko. Paglingon ko roon ay nakita kong kinakausap na siya ni Yaya Ope bago dumiretso ang dalawa sa patio. Ilang sandali lamang nang lumabas na mula sa villa si Senyor Anselmo at nakita kong nag-usap ang dalawa.
"Ang totoo niyan kumpadre ay ang unica hija mo at ang binata ko ang totoong nasa isang relasyon pero ginugulo sila ng Alvarez na iyan. Malinaw na merong hindi pagkakaintindihan, kumpadre. Ang Jake na iyon ang sumira sa magandang samahan ng dalawa, na maaari na sanang magpabuti sa pagitan.."
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
RomanceSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...