Chapter 23
Sorry
" Sigurado ka ba sa gagawin mong ito, Jade?"
"I trust you, Jigs, please? Kahit hanggang sa sakayan lang papunta ng Paoay."
"Baka wala pang bibiyahe ng ganitong oras, Jade. Ihahatid at sasamahan na kita sa Paoay. Nag-aalala ako sa'yo baka kung ano pa ang mangyari. Sa ginagawa mong ito ay para ka na ring naglalayas. O tama ako sa pagpapakahulugan ko sa nangyayari?"
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Hindi naman naglalayas ang tawag dito. Ginagawa ko lang ang dapat, isang bagay na matagal ko na sanang ginawa. Kung bakit hinayaan ko pang umabot sa pontong mabigat na sa akin ang pag-alis.
"Salamat, Jigs."
"Huwag mo akong pasalamatan dahil nagbabayad ako ng kasalanan sa'yo."
"Kahit ako man din ay nakagawa ng kasalanan."
He brought with him their family service car. Siya rin ang nag-drive n'on as he took me to Paoay Church. Sumisilip na ang umaga sa mga oras na iyon. I have also memorized the mass schedule of the parish. Alas sais ang unang misa.
Jorem wouldn't know that I went here. Si Senyor Anselmo lang naman kasi ang nakakaalam. At sa sandaling malaman pa ni Jorem na hindi na ako sisipot, sana nakalayo na ako ng Norte. Mas mahihirapan ako kapag sumakay ng eroplano papunta ng Manila o kung saan man bahagi ng Pilipinas.
Ang tanging sigurado lang ako'y, sasakay ako ng bus upang magtungo ng Cagayan o saan pa man. Alin na lamang sa karatig probinsya ng Ilocos Sur o ng Cagayan. I also got with me two bags, ang isa ay naglalaman ng konting gamit at isa naman ay doon nakalagay ang mga mahahalagang bagay sa akin.
Susubukan ko ulit na bumangon. Ibebenta ko ang ilan sa mga natapos ko nang naipinta, nang sa ganoon ay may pambili ako ng bagong art materials at canvass. I could use arts para mabuhay. Saka na lang siguro ang pag-aaral ko at pagmomodelo, pag-iipunan ko pa iyon. Susubukan kong mabuhay nang mag-isa kagaya ulit ng nakagawian ko.
You've been through a lot, Paige, you got this!
"Jigs, ayos na ako rito. Hindi mo na ako kailangang samahan pa."
"Tatapusin ko na lang din ang misa bago ako umalis pero Jade, saan ka na pupunta ngayon?" wika niya. "Ang Daddy mo, alam ba niya?"
Tumango ako. "At..pinayagan ka niyang umalis?"
"Dahil sa hindi naman talaga niya ako anak, Jigs."
"Huh? Anong ibig mong sabihing hindi ka niya anak?"
"Mahabang istorya. Halika, magsisimula na iyong misa."
Dahil marami ng tao sa loob, sa labas na lang kami pumwesto ni Jigs. Hoping against hope that I could find my sister here.
Umaasa ako na sana kahit papaano totoo ang sinabi ng matanda na ang kamukha kong iyon ay ang kapatid ko. Naniniwala ako roon. Tumingin ako sa harap habang naghahayag ng sermon iyong pari. Is there any chance that we'd see each other here?
Pinikit ko ang mga mata ko while I was listening to the homily. I remembered I cried a lot when I left the villa, Burgos in general. Mas pinili kong umalis ng alas kwatro dahil alam kong hindi pa gising sa ganoong oras si Jake.
Alas kwatro y media iyon nagigising. O kahit sino man sa mga tao sa mansion. Mas mahirap kasing umalis kapag alam mong nasa likuran mo sila habang humahakbang ka.
I knew Jake would protect them all. He doesn't need my sacrifice. He was okay, they were completely fine, bago pa man ako nagtungo roon.
"Jade, ayos ka lang ba talaga? Si Jake, alam ba niya na aalis ka?"
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
Roman d'amourSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...