Chapter 19

66 3 5
                                    

Chapter 19

Shame

The kiss was unforgettable. I guess I will carry that for the rest of my life. Kahit ang pagkatapos n'on ay isang mitsa na ng pagbabago.

"Wala ka bang sasabihin?" tanong niya, ang kan'yang boses ay parang nagsusumamo. Itinuon ko ang aking pansin sa nakikita naming pareho. Ang pagbaba ng araw.

Napayuko ako. "Umuwi na tayo, Jake, please?"

I never wanted to say that. I wanted to be with him kahit sa bilang na oras na lang. But I just can't. Para akong bumalik sa reyalidad. Pagkatapos ng halik ay ang sampal ng reyalidad.

This wasn't a fairytale, Jade. The kiss was meant to say that the time is over. Hindi upang pigilin ang oras nang sa ganoon, kami ang manatili. Anuman ang gawin ko, hindi pwede.

This is some kind of distraction from the tract that I am heading.

"Jade?" Batid ko ang pagkalito sa kan'yang boses.

"Please? Umuwi na tayo, may kailangan pa kasi akong gawin." I said that as a matter of avoiding the topic.

Wala kaming kibo nang umuwi na ng villa. Hindi rin ako tumingin sa kan'ya nang bumaba ako ng sasakyan. I was keeping with me Jade's letter. I think that I am going to read that to Senyor Anselmo nang maibsan nang kaonti iyong pangungulila niya sa anak niya. Kapag tuluyan ko nang inamin iyon.

Nararamdaman na niya iyon. Bakit lumipas ang ilang buwan, hindi siya kailanman nagsabi sa akin? Bakit hinayaan niya akong magpatuloy dito?

Maaari kayang ikaw na lang ang hinihintay niyang magsabi, Jade. Natigilan lang ako nang maramdaman ko ang kamay ni Jake sa aking braso.

Napalingon ako sa kan'ya at sa kan'yang mga matang naghihintay.

"Senyorita, magpapaalam ako sa Daddy niyo. Manliligaw ako."

For a second, I was just staring at him. Hindi makapaniwalang nagmula iyon sa mga labi niya. I was trying to digest the words.

"Kapag pumayag siya, wala na kayong magagawa. Palagi mo na akong makikita rito,' pursigidong dagdag niya.

"Jake.." I said to dismiss him. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko nang hawiin ko iyon.

"Hindi kita ganoon kagusto para.." Napalunok ako. Halos hindi ko magawang titigan siya sa mga mata. "Para pumasok sa isang relasyon."

Ngunit hindi pagkabigo ang nakita ko roon. "Senyorita, manliligaw pa lang ako. Sa bandang huli, ikaw pa rin naman ang magdedesisyon kung tatanggapin mo ako o hindi. Gusto ko pa ring sumubok.."

"Aakyat na ako sa silid ko. Pagod na ako. Jake, please?" I trembled a bit.

Sinubukan kong ibalik ang Jade na mahirap magtiwala. Ang Jade na may pader na nakapaligid sa kan'ya. Buhay pa rin naman ang Jade na iyon. Kaya lang ang nagbago ay may iisang tao na akong hinahayaan na makapasok sa buhay ko.

I went to my room, with my heart fast racing. Para iyong tumakbo nang ilang milya. Nanatili sa isip ko ang halik, ang pakiramdam ng unang halik na iyon, ng unang pag-ibig na aking maituturing. I stared at the mirror. I touched my lips and still I could feel Jake's.

Lumabas na ako ng silid nang makapagpalit ako. Kumain ako ng hapunan kasama sila Senyor. Nagkunwari pa rin ako na ayos lang. That as if I didn't go out with Jake. Pagbalik ko sa silid ay doon na ako nagkulong.

But even so I reminded myself that I get to do this. I chose to do this. Isang linggo, Jade. Mayroon ka pang isang linggo. Tinignan ko ang kalendaryo. At least I get to celebrate my seventeenth birthday here. And it would be memorable..

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon