Chapter 4
Pretend
I woke up with a vivid memory of that night. Pero isa lamang ang sigurado, it was some kind of..of embarrassing. Kung sa bahagi ko ba o sa bahagi ng dalawang taong hindi ko namukhaan.
I couldn't be mistaken, could I? Ang sinasabi nilang Jake ay galing din mismo sa likod bahay na iyon. He was there! And now the question is; sino iyong babae? Isa ba sa mga bisita sa party? Hindi na dapat pang tinatanong kung ano ang ginagawa nila roon as I have already guessed about it. Pero hindi pa rin ako makapaniwala.
Sa niyugan! Halos mamutla ako sa tunog pa lamang n'on.
But if I were the Jade Villalobos, maniniwala kaya akong si Jake iyon?
Pati sa panaginip ko'y nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa mga aninong iyon na nagtatago sa mga makapal na damo and the weird noises that they were emitting! Parang natira na sa matinong isipan ko at hindi na matanggal!
I screamed literally the morning after. Nagtungo kaagad ako sa banyo at naghilamos ng mukha. I was hoping that it was merely a dream. Nang mahimasmasan naman ako'y, inilagay ko iyong contact lens.
"Why am I dreaming about it?" nahihintakutang bulalas ko. Tumataas ang balahibo ko sa katawan kapag naaalala ko iyon.
Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipagpasalamat na hindi ang pagpapanggap ko ang iniisip ko sa umagang paggising ko at hindi rin ang nangyaring pagtatangka noong... Nabasag lang ang mga iniisip ko nang bumukas ang pintuan at ang tili ni Yaya Ope ang humalili sa katahimikan ng aking silid.
"Hija! Nahimatay ka kagabi! Ayos na ba ang pakiramdam mo? Muntik ka na naming dalhin sa hospital!" Kinapa niya pa ako sa noo.
"Yaya." Napalunok ako.
Hindi ko rin maaaring sabihin na ganoon iyong nakita ko o sabihin kong may nakita nga akong ganoon. Magtatanong din ang matanda kung ano ang ginagawa ko roon sa likod ng bahay sa oras na iyon at baka maisip pa niyang sarili ko rin mismo ang tinutukoy ko. Lalo na kapag nakomperma kong si Jake nga iyon!
That's...that's completely horrifying! No! No! Tanggalin mo na sa isip mo iyon, Jade.
Please. Kung sana ganoon lang kadali.
"Nasa baba si Senyor kausap si Jake. Gusto mo bang sumabay sa kanilang mag-alusal?"
"H-hindi na po, Yaya. Pakidala na lang po rito iyong breakfast."
It was as if my mind restored that memory at nawawalan ako ng gana kapag naiisip ko pa iyon lalo! Oh gosh. At lalong hindi ko magagawang sumabay sa agahan na kaharap ang Jake na iyon!
"Si Jake mismo ang nagdala sa iyo rito sa silid mo, hija. Kaming lahat ay nag-alala nang biglaan ka na lang nawalan ng malay pero siniguro naman ng nurse na ayos ka lang at baka nga'y sa pagod o baka naman labis kang namangha kay Jake?"
Muntik na akong mabilaukan. "O-of course, he's handsome, Yaya."
Pero malabo iyon dahil hindi ang mukha niya ang pinagtuonan ko ng pansin kung hindi ay ang kaalamang galing siya sa likod ng bahay.
Can you stop thinking about it, Jade? It was over! Bakit ikaw ang nahihiya?
"Pupunta ulit siya mamaya rito para tignan ang mga kabayo. Gusto mo bang ikaw na ang magdala ng meryenda para sa kan'ya?"
"Ho?"
"Oo, siya iyong kinakausap ni Senyor tungkol sa mga kabayo. Mag-ayos ka na hija nang sa ganoon hindi mo na aalalahanin ang mukha mo kapag nariyan siya. Pero hindi bale, maganda ka pa rin kahit walang ganoong ayos!"
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
RomanceSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...