Chapter 15

66 3 0
                                    

Chapter 15

Locket


Perhaps that was one of my takeaways. Iyon ang isang bagay na kailanman ay hindi ko makakalimutan sa probinsya. Even at a short period of time.

I even started to sketch it. Kami, sakay kay Alvar, habang palubog iyong araw.

But I knew for the fact that the sunset that I have felt that afternoon couldn't be described by a single canvass alone. Naiwan na yata iyon sa isip ko at nagkaroon ng kung anong kulay sa puso na mahirap burahin.

The fall that I wasn't ready to take. Hindi ko kailangan iyon. Kailangan kong wakasan iyon habang maaga pa. Habang kaya ko pa.

Remember, Jade, you are an impostor.

Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Even though my groupmates kept on contacting and that night it seemed that Jigs had a change of ship. Nasa balkonahe kami at nag-uusap. Siya kasi iyong nagrereview ng mga scenes sa film and he kept on sending me the pictures.

"Teh, ang ganda n'ong last shoot! Tapos..tapos..hindi ko ma-explain pero kakaiba, magical teh! Nagtataka ako kasi wala namang ganitong chemistry iyong mga main characters natin. Secret lang natin ah? But based on my observation lang ito, bagay kayo ni Jake sa video."

"Ha?" I stared at the picture that he sent me. Hindi nga kita iyong mukha namin. It was merely the sun setting down and us, as if we were a couple in wonderment.

"Teh, sinasabi ko na talaga sa'yo! Iba 'yong impact sa manonood eh. Like paano iyong ganito? Parang natural lang at hindi pilit! Kung pwede lang sana na kayo na lang nitong ni Jake sa kabuuan ng film."

"Hindi naman natin siya classmate kaya bakit siya kasali?"

"In all fairness, para ngang..bagay kayo," humahalakhak na aniya. "Joke lang! Huwag namang iyong magiging kabit ka kung totoo ngang sila ni Ms. Cacpal. Dyosa ka teh kaya hindi bagay sa'yo ang kabit."

"Anong nangyari kay Jorem, Jigs?'

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan teh. Anong nangyari kay Jorem? Wala ba talaga teh? Eh kanina kung makatingin sayo, halatang hindi makamove-on kahit friendzone."

"Naguguluhan lang siguro iyon sa feelings niya, Jigs."

"Pero what if talaga namang pursigido iyong tao? Hindi mo ba talaga bet?"

"Hindi pa rin ang sagot ko, Jigs."

"Osiya. Huwag na nating pag-usapan. Mag-eedit pa ako. Good luck sa midterms teh. Good night!"

Dalawang araw pa naman bago ang midterms. I kept on staring at the ceiling that night. Mas nangingibabaw sa akin iyong nangyari sa hapong iyon. Pinipilit kong daanin sa pagtulog ang malakas na tibok ng puso ko.

Jade, stop it. I condemned myself. There's a reason kung bakit mas mataas ang ating utak kumpara sa ating puso. It tells us that not at all times, we have to follow our heart.

You are overwhelmed by the kind of feelings you constantly feel when he's around. You are being comforted by the peace and comfort and the fact that you could trust him. Don't mistake it for..

It is true that there is a war existing within ourselves. I then forced myself to sleep para sa huli ay babangon lang din naman dahil hindi iyon mawala wala sa aking pagtulog. Para lang akong ginigising sa bawat oras. I should be thinking about the consequences. I should be thinking about how could I repent for all those lies.. Hindi ang makaramdam ng ganito sa kalagitnaan ng problema.

Dahil hindi ko magawa-gawang umidlip, I continued to sketch. Through the canvass, sinusubukan kong ibaling doon ang dahilan kung bakit gising na gising pa rin ako. Until I have fallen asleep, and the scenery was still alive in my dreams.

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon