Chapter 2

1.6K 101 27
                                    

Florence's POV

Nanghihinang napaupo agad ako sa couch pagpasok ko pa lamang ng dressing room. Gaya ng mga nakalipas na araw, punong-puno ang schedule ko ng mga guesting mula sa iba't ibang programa. Ito ay kinakailangan para maipromote ko ang pinaghirapan naming serye.

"Kaya pa?", tanong ng handler ko.

"Siyempre naman! Ako pa ba", nakangiti kong tugon bagamat ramdam ko na ang pagod ng aking katawan.

Hindi na alintana sakin ang pagod basta makatulong ako at siyempre kinakailangan ko talaga ng extra effort dahil ako ang bida sa seryeng ito. Mas lalo dapat akong magpursige.

"Huwag kang mag-alala, ito na ang huli mong gagawin para sa araw na ito. Pagkatapos nito ay maaari ka ng magpahinga", wika niya. Kaming dalawa lang ang naririto sa dressing room.

"Thank you, Beth", sagot ko dito.

"Oo nga pala, makakasama mo pala sa interview na ito si Maxine", saad nito.

"Haaaa?", gulat kong tanong.

"Ayy bakit may pagsigaw?", tanong nito.

"Hehe sorry. Nagulat lang ako. Bakit ngayon mo lang sinabi?", saad ko.

"Kanina lang din ako nainform ng management", sagot naman nito.

Tumango na lang ako at muling pinagmasdan ang aking sarili sa salamin. Mababakas ang pagod sa mukha ko.

Maya-maya lamang ay dumating na ang mga mag-aayos sakin. Mula sa mukha, buhok, at sa susuotin ko ay mayroong nakatalaga.

"Gosh girl! Ang pretty mo talaga", saad ng makeup artist ko.

"Thank you, Chie", nakangiti kong saad matapos akong lagyan ng kolorete.

Pagtingin ko sa salamin ay hindi na halata ang pagod ko kanina. Fresh na ulit ang ganda ko.

"Hello, everyone!", bati ng isang pamilyar na boses.

Agad naman akong tumingin sa pinanggalingan ng boses ngunit agad na hinila ni Torie ang buhok ko. Siya kasi ang nag-aayos ng buhok ko.

"Excited yarn? Masyado kang obvious Florence ha. Huwag ka munang malikot. Inaayusan pa kita", saad nito at binati nila si Maxine.

"Hello, Max?", bati ko sa kaniya pero di ako nakatingin sa kaniya.

"Hello to you also, Darna", nakangiting sabi nito at humarap sakin.

Kung maraming nagsasabi na maganda ako, sa tingin ko mas maganda itong babaeng nasa harapan ko.

Ang ganda niya ay naiiba sakin. Mukha itong mayaman na spoiled brat. Kung titingnan mo siya ay para ka lagi niyang susungitan. Very intimidating ang kaniyang aura. Kaya nga siguro nakuha nito ang role bilang Valentina.

Dahil ang lapit lamang ng kaniyang mukha sakin ay nabigyan ako ng pagkakataon na pagmasdan ang kaniyang magandang mukha.

Maputi at makinis ang balat nito. Kulay tsokolate ang mata, matangos ngunit hindi gaanong pointed ang ilong, mahaba ang mga pilik mata, at mga labi niyang tila nanghahalina.

Muli kong tiningnan ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam na nakatingin din pala siya sakin. Tila nagsusukatan tuloy kami kung sino ang unang bibigay.

"Ehem"

Sabay kaming napalingon kay Torie na tila kinikilig?

"Magtitigan na lang ba kayo?", tanong nito sa aming dalawa ni Maxine.

Nakalimutan kong may kasama pala kami dito. Sandaling nawaglit sa aking isipan at akala ko'y si Maxine lang ang naririto. Napatingin naman ako sa handler ko at kina Chie. Mga nakangiti sila.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon