Chapter 3

1.3K 81 2
                                    

Florence's POV

Labis ang aking kasiyahan na nararamdaman nang makita ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa Darna. Hindi ko inaasahan na makakarinig ako ng maraming papuri mula sa mga kasamahang artista at siyempre lalo na sa mga mamamayang Pilipino.

Hindi naging madali para sa akin na gampanan ang role bilang Darna dahil nang nalaman pa lamang nila na ako ang gaganap ay nakatanggap na ako agad ng maraming pangbabash sa social media. Maraming may ayaw na ako ang gaganap na Darna. Hindi pa man nagsisimula ay agad na nila akong hinusgahan. Pero okay lang. Ipinagpatuloy ko pa rin para sa aking pangarap. Kahit anong hirap ng training ay kinaya ko.

Kaya naman natutuwa ako nang sobra dahil karamihan ng aking nababasa at naririnig ay puro positibong tugon.

"Congratulations, Florence! Masayang-masaya ako para sayo. Kita mo naman ang mga papuri sayo", naluluhang sabi ng handler ko. Isa siya sa mga nagpapalakas ng loob ko.

"Salamat nang marami, Beth", saad ko at niyakap siya nang mahigpit.

Pagtingin ko sa phone ay marami akong natanggap na pagbati. Nagagalak naman ang puso ko nang makita na no. 1 trending ako sa buong bansa.

Napahawak ako sa aking dibdib at napapikit. Taimtim akong nagpasalamat sa Panginoon.

May mga natanggap din akong regalo na naglalaman ng mga letter at bulaklak. At mas matuwa ako dahil sobrang proud sakin ang direktor namin.

"Umuwi ka na upang makapagpahinga ka na. Bukas may mall tour pa kayo sa MOA", saad ng handler ko.

Sumang-ayon naman ako at muling nagpasalamat sa kaniya. Dumiretso na ako sa condo na tinutuluyan ko.

Pagkatapos kong maligo ay nakita kong tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay isang mensahe mula kay Maxine ang natanggap ko. Napangiti naman ako.

Congratulations, Florencio!!

Thank you, Max. Sobrang saya ko.

You should. You deserve the attention.

Sa susunod na araw, panigurado ikaw naman ang mambubulabog ng buong bansa.

Mambubulabog? What's that?

Wala. Sabi ko panigurado magugulat sila sayo.

Really? Why?

Dahil bagay na bagay sayo ang role mo.

Do you think so?

Oo. Ikaw nga lang ang nag-iisang Valentina na handa akong magpatuklaw <3

Haha. You're funny.

Hahaha. Joke lang. Mahirap kapag masyadong seryoso.

Yeah. Anyway its getting late. We have our mall tour pa tomorrow. Lets sleep.

Oo nga. Sige. See you bukas, Max. Good night! <3

Good night also, Darna!

Tila mapupunit ang aking labi sa lawak ng aking ngiti. Napahawak ako sa aking dibdib habang nakatingin pa rin sa aking cellphone.

Ang weird. Simple lang naman ang usapan namin pero bakit hindi ko mapigilang matuwa?

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at humiga na. Nagpadala muna ako ng mensahe kay mama at nanalangin. Pagtapos ay sinubukan ko ng matulog.

Kinabukasan ay sinundo ako ng aking handler. Hindi naman nagkaroon ng aberya kaya agad kaming nakapunta sa Mall of Asia.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon