Chapter 13

1.3K 102 39
                                    

Florence's POV

"Max, please? Sama na ako. Mabobore ako dito mag-isa", pakiusap ko kay Max.

Yung pagstay niya dapat ng tanghalian ay naextend dahil sumakit ang kamay ko. Tatlong araw na nandito si Max sa condo at sinasamahan ako. After ng taping niya ay dito siya dumidiretso sa condo ko. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay siyempre masaya ako. Pagsilbihan ka ba naman ng isang Maxine Salvador? Saan ka pa?

Ngayong araw ay susunduin na niya si Migo sa bahay nila Mark. Hindi ko alam ngunit hindi ako mapalagay. Maliban sa mamimiss ko siya kapag umalis siya kahit ilang oras lang siya mawawala ay hindi ako kampante na magkita silang dalawa ng ex niya. Hmp!

"No", seryosong sabi nito.

"Please, Max", pakiusap ko.

"I said NO, Florencio. Just stay here. Wag kang makulit", saad nito.

"Eeeh? Please, Max? Medyo okay na naman na kamay ko oh? Saka gusto ko rin kumain sa labas. Dali na", pagpupumilit ko.

"Then magorder ka na lang ng food. Just stay here, Florencio. Babalik din ako. Susunduin ko lang si Migo", nagmamatigas na sabi nito.

"Pero Max gusto ko nga sumama. Pagbigyan mo na ako. Uupo lang naman ako sa kotse mo", muli kong sabi sa kaniya.

"Hindi nga pwede!", naiinis ng sabi nito.

"Bakit hindi pwede? Hindi naman ako makakaabala sayo o baka may iba pang dahilan kaya ayaw mo kong isama", naiinis ko na ring sabi.

"What are you talking about?", nakakunot noong tanong nito.

"Wala naman akong nakikitang masama kung isasama mo ko, Max. Kung nag-aalala ka sakin, okay naman ako. Unless may dahilan ka kaya ayaw mo akong isama", paliwanag ko.

"I don't understand you!", saad nito na tila naguguluhan.

"Hindi mo talaga maiintindihan. Sige na. Alis ka na. Hindi mo na rin kailangang dumiretso dito. Pagkasundo mo kay Migo diretso na kayo sa bahay ninyo. Kaya ko naman mag-isa dito o di kaya tatawagan ko na lang si Beth. Di mo na kailangang samahan ako dito", mahaba kong litanya.

Naiinis ako. Naiinis ako dahil gusto ko lang naman sumama. Uupo lang naman ako sa kotse, ikakapamahak ko ba yun? O may dahilan talaga kaya ayaw niya akong pasamahin?

Dahil ba pupunta siya sa bahay ni Mark? E ano naman kung kasama ako?

"What is wrong with you!?", lalong naguguluhang tanong nito.

"Wala nga. Alis ka na. Baka naghihintay na si Mark este si Migo. Sige na", pagtataboy ko sa kaniya.

"You're acting weird na naman. Babalik din ako agad with Migo. Lock the door okay?", saad nito at bubuksan na ang pinto nang magsalita ako.

"Okay, madam. Dito lang ako sa bahay, tawagan ko na lang si Josh. Sabi niya kasi dadalawin niya ako dito", saad ko.

Huminto naman si Max at lumingon bigla sa akin. Yung mukha niya ay hindi na maipinta. Feeling ko may nasabi ako na hindi maganda.

"What did you say?", malamig na tanong nito.

Galing! Kanina ako ang naiinis ngayon ako na ang kinakabahan.

"H-Ha? Ah sabi kasi ni Josh gusto niya akong kumustahin", sagot ko.

"And you will let him come to your condo? Just the two of you here?", sabi nito. Para na siyang galit na teacher at anumang oras ay sasabog na.

"W-Wala namang masama. Dadalawin niya lang naman ako dito. Isyu ka", paliwanag ko.

"What if the media saw you?", dagdag nito.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon