Florence's POV
Nakangiting kinikilig habang pinagmamasdan ko ang natutulog na mukha ni Max. Dahan-dahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi.
Hindi pa rin ako makapaniwala na narinig ko na sa wakas ang mga salitang akala ko sa imahinasyon lamang mangyayari.
"G-Good morning", nakangiting bungad nito at medyo nakapikit pa ang mata.
"S-Sorry. Nagising ba kita?", nag-aalala kong tanong.
"It's okay. Where's my good morning kiss?", mapaglaro ang mga matang pahayag nito.
Nahihiya namang napatakip ako ng unan sa aking mukha. I'm shy.
"You're cute! Haha. Good morning, luv", wika nito at hinalikan ako sa noo nang tanggalin nito ang unan sa aking mukha.
Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha nang marinig ko ang endearment nito.
Luv?
Bakit ang sarap pakinggan?
"G-Good morning din ayy afternoon na pala", nauutal kong tugon nang mapagtanto ko kung anong oras na.
"Really?", saad nito at tiningnan ang phone niya.
Habang busy ito sa pagtingin sa phone ay hindi ko maiwasang titigan ang napakagandang diyosa na katabi ko.
"Why?", nagtataka nitong tanong at ibinaba ang phone na hawak niya.
"Hindi ito panaginip, diba?", pagkumpirma ko.
"You can kiss me if you wanna know", mapang-asar na sabi nito.
"Max naman e", nakanguso kong saad kaya kinurot nito ang pisngi ko.
"This is not a dream, luv", masuyong sagot nito.
"P-Pwede mo bang sabihin sa akin yung sinabi mo kagabi?", hindi makatinging tanong ko dahil nahihiya ako.
"Which one?", takang tanong nito.
"Y-Yung three words", nahihiya kong wika.
"Three words? Did I say something like that?", nakataas ang kilay na sabi nito.
"Max naman e. Sinabi mo yun kagabi. Dali na. Baka mamaya panaginip lang ito e", nakasimangot kong turan.
"Hahaha. I love you", masuyong sabi nito dahilan para mapaangat ako ng tingin at suklian ito ng matamis na ngiti.
"Isa pa", nakangiting pakiusap ko.
"I love you", dahan-dahang saad nito at tinanggal ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.
"Pwede isa pa? Hihi", kinikilig kong saad dahil ang sarap pakinggan.
"I love you, Florencio", saad nito dahilan para lalong lumawak ang ngiti ko at magwala na naman ang sistema ko.
"Is—", hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nitong sinunggaban ang labi ko.
Nanlalaki ang aking mga mata sa biglang ginawa ni Max. Yung tibok ng puso ko ay sobrang bilis.
Enengyen di pa ako nakakapagtoothbrush. Baka mamaya mabaho pala ang hininga ko.
Ngunit lahat ng agam-agam o pagaalinlangan sa puso ko ay nawala nang maramdaman ko ang paggalaw ng bibig nito.
Pikit ang mga matang nagpaubaya na lamang ang aking bibig nang maramdaman ko ang pagtatangka ng dila nito na pumasok.
Walang hiya hiya na kumawit ako sa batok niya at tumugon sa mapusok nitong halik.
Napakalambot ng labi nito.
Muntik na akong mapaungol nang maramdaman ko ang paggalugad nito sa aking bibig. Tila may hinahanap ang kaniyang mapangahas na dila.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...