Chapter 16

1.5K 104 86
                                    

Florence's POV

Masayang-masaya ako sa mga papuri ng aming mga direktor at iba kong kasamahan sa trabaho. Halos magagandang salita ang narinig ko lalo na kay Max.

Nasisiyahan kaming lahat dahil ang daming umaantabay ng teleserye. Laking pasasalamat ko sa mga fans namin lalo na sa mga Darlentina shippers na talagang pinupuno ang live chat ng mga mensahe nila para sa amin ni Max.

"Blooming ka ata ah", rinig kong sabi ni Josh.

"Masaya lang. Ikaw blooming ka din ah. Inlove?", pagbibiro ko.

"Aba binabalik sakin ah. Haha. Sabihin na lang natin na masaya din ako", nakangiting sabi nito.

Kita sa mga mata nito ang kasiyahan. Hmm I smell something fishy.

"Iba talaga ang chemistry ninyo ni Maxine. Kapag nag-aaway kayo para kayong hindi magkalaban kundi couple na may pagtatampuhan", nakangiting saad ng isang scriptwriter namin.

"Nahihirapan tuloy kami. Ang daming nagsiship sa inyo. Iba kayo. Ano kayang reaksyon nila kapag nagpatayan na kayong dalawa?", natatawang wika naman ng isa pang scriptwriter.

"Kung pwede lang e kayo talaga ang gagawin kong endgame. Kaso kailangang masunod ang script", dagdag nito.

"Kahit naman may script naiiba ang meaning kapag silang dalawa na ang umaarte. Hahaha", sabat ng isa pa.

Kinilig at natuwa naman ako sa sinabi nila. Kahit hindi ko man sabihin, sa isip ko gusto ko rin na kami ang maging endgame pero alam kong hindi mangyayari yun.

Bagamat open naman ang Pilipinas sa ganitong usapin, alam kong marami pa rin ang magbibigay ng hindi magandang komento at magbibigay ng kritik.

Ayoko rin namang sirain ang nakasanayan nilang komiks na Darna.

Ang mahalaga kung di man endgame sina Narda at Regina sa teleserye dapat in real life kami ang endgame! Ilaban natin to!

Nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso sa pwesto nina Max.

"Favorite mo oh", bungad ni Torie.

Natutuwang kinuha ko ang binigay ni Torie na stick-o. Isa ito sa mga paborito kong pagkain. Sarap!

"Yay! My favorite", ngiting-ngiting sabi ko habang isinusubo ang hawak kong stick-o.

"You're a messy eater", rinig kong sabi ni Max na katabi ko lang ngayon at pinunasan ang labi ko.

Lalo naman akong napangiti. Sa ilang araw na lumipas, napakalambing ni Max. Medyo nasasanay na rin ako sa mga sweet gestures niya pero yung pagbilis ng tibok ng puso ko ay ganun pa rin at hindi nagbabago.

"Say aah", malambing kong saad kay Max at sinubuan ito ng stick-o. Tinanggap naman ni Max nang walang pag-aalinlangan.

"Sarap nuh? Gusto mo pa?", muling tanong ko dito.

Favorite ko ang stick-o at handa ko itong ishare kay Max dahil siya naman ang favorite person ko. Hihi.

"Thanks", simpleng sagot nito.

"Grabe ang tamis naman ng stick-o na ito", rinig kong saad ni Chie kahit hindi naman kumakain. Hmp!

"Vadeng na vadeng ang mga acclaaa", dagdag naman ni Torie.

Hindi ko na lang sila pinansin at pinagtuunan ko si Max. Suot pa rin nito ang damit ni Valentina kaya mukha siyang masungit na pusa na nagiging maamo dahil sa pagkain.

Muli kong sinubuan si Max ng stick-o. Natutuwa ako dahil hindi siya nagrereklamo. Hihi.

"Dumadami na ang mga taong nagsiship sa inyo", kalaunang saad ng handler ko kaya naman napatingin ako sa kaniya.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon