Chapter 21

1.5K 107 81
                                    

Florence's POV

Masayang bumaba ako ng kotse dala ang bulaklak na binili ko sa flower shop kanina. Sa totoo lang dapat kanina pa ako dadalaw sa bahay nila Max ngunit ang hirap makahanap ng red camellias flower kaya'y natagalan ako.

Pagpasok ko sa loob ay tila naestatwa ako nang makita kong masayang nagkikwentuhan sina Max, Mark, at Migo.

Kita sa mga mata ni Max ang kasiyahan habang pinapanood si Migo na buhat-buhat ng ama.

Ito na naman ang pakiramdam na parang hinihiwa ang puso ko. Ayokong maramdaman ito. Hindi maaari. Hindi dapat.

"Mama Gandaaaaa", rinig kong sigaw ni Migo at tumakbo papalapit sakin.

Huminga muna ako nang malalim saka naglagay ng ngiti sa aking mukha at hinarap sila.

"Hi baby? Namiss kita", saad ko nang niyakap niya ako.

"I miss you too, Mama Gandaaa", tugon nito at hinalikan ako sa noo at sa magkabilang pisngi kaya naman napatawa ako. Gigil siyang humalik.

"Oh you're here? Hi Florence? What are you doing here?", tanong ni Mark na nakatingin sa mga bulaklak na hawak ko.

"Binisita ko lang si Max. Balita ko nagkasakit daw siya", sagot ko at tumingin kay Max na nakatingin din sa bulaklak na hawak ko.

"Really? Maxine didn't inform me", gulat na sabi nito.

Muntik ko na sana siyang mahampas ng bulaklak na hawak ko dahil sa sinabi nito. At bakit siya kailangang sabihan ni Max? Jowa yarn!?

"Those flowers are beautiful. Para kay Max?", nang-uusisang dagdag pa nito.

I mentally rolled my eyes. Kalalaking tao, masyadong matanong. Charing.

Tiningnan ko naman ang mukha ni Max bago sagutin si Mark. Walang emosyon ang mukha nito. Hindi ko tuloy mabasa. Baka kasi magalit ito kapag sinagot ko si Mark na oo. Baka rin naman magalit kapag sinabi kong hindi.

"A-ah bigay ni Josh. Hindi ko napansin na nadala ko pagpunta dito", alanganin kong sagot.

Hindi ko alam kung naniwala siya sa sinabi kong kasinungalingan pero mukhang oo naman.

"Mama Gandaaa, we will have a picnic daw po sabi ni Daddy on Saturday. Come with us please?", biglang sabat ni Migo.

Picnic? Silang pamilya?

"A-ah baby kasi", tanging nasabi ko dahil hindi ko alam ang dapat kong isagot.

Anong gagawin ko dun?

Chaperone? Over my sexy body!

"Please Mama Gandaa? Pleasee? I wanna be with you po. I miss you po kasi e", paglalambing ni Migo at niyakap ako.

"Migo, don't bother her. And its a family picnic date. Lets just enjoy it with the three of us", nakangiting saad ni Mark kay Migo ngunit hindi ito pinansin ng bata at lalong yumakap sa akin.

Buti nga!

May nalalaman pa siyang three of us!?

Family date!?

Gusto ko tuloy sumama dahil naiinis ako sa sinabi ni Mark. Pwede namang sabihin na huwag na akong sumama. Dami pang sinabi. Grrr. Don't bother her mukha niya.

"Mama Gandaaa, please?", nakikiusap na wika ni Migo kaya naman napabuntong-hininga ako.

Kahit gustong-gusto kong sumama dahil ayokong makita si Max na masayang kasama ang hilaw niyang ex ay hindi dapat.

Pamilya nila ito. Bagamat hiwalay na sina Max at Mark ay magulang pa rin sila ni Migo kaya hindi ako maaaring manghimasok.

"Baby Migs sa susunod na lang, okay? Gusto mo magbeach pa tayo? Tayong tatlo lang ng Mommy mo", saad ko at binigyang diin ang tatlo lang dahil hindi kasama ang epal niyang ama. Ganti lang.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon