Chapter 19

1.3K 95 75
                                    

Florence's POV

Nakangiti ako nang sabihin ng director namin ang salitang "cut" na siyang kanina ko pa hinihintay na marinig.

Pagkatapos kong magpasalamat ay agad akong nagpalit ng damit. Gusto ko ng puntahan at makita si Max.

"Flor, nagmamadali ka yata", rinig kong saad ni Josh.

Ngumiti naman ako sa kaniya nang alanganin. Excited lang siguro akong makita si Max dahil napag-usapan namin na sabay kaming magtatanghalian ngayon.

"Hahahaha. Gutom lang", pagbibiro ko.

"Tara! Sabay na tayong kumain", yaya nito.

"Sorry kasama ko mga kaibigan ko e", mabilis kong sagot.

"Parang hindi mo ako kaibigan ah", wika nito na may himig birong pagtatampo.

"A-ah eh kasama ko sina Max", agad kong tugon.

"So? Ayaw mo ba akong kasabay dahil kasama mo sila?", saad nito na ang mga mata'y tila nang-aasar.

"Hindi naman. H-Halika na. Baka naghihintay na sila", sagot ko.

Nakangiti namang inakbayan ako ni Josh. Kaya naman napabuntong-hininga na lamang ako at dumiretso sa resto na sinabi nila Torie. Malapit lang ito sa location namin.

"Hi Max? Kanina pa kayo?", nakangiti kong bati sa kaniya.

"Not really", walang ganang sagot nito at tiningnan ang kamay ni Josh na nakaakbay na naman sa akin.

Dali-dali ko naman itong tinanggal at umupo sa tabi ni Max. Ayokong mag-isip siya ng kung anuman. At lalo ayokong pagdudahan niya ang nararamdaman ko.

"Hello everyone? Pasensya na kung sumama ako kay Flor. Gusto ko kasi siyang makasabay kumain e", nakangiting sabi ni Josh.

Pakiramdam ko'y gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa mga oras na ito dahil lalong sumama ang tingin ni Max sa akin.

"Pak! Baka may biglang tumuklaw na lang sayo mamaya", natatawang saad ni Torie.

"Hoy Josh dito ka sa tabi ko umupo. Eksena ka", wika naman ni Chie.

Habang hinihintay ang pagkain ay masayang nakikipagkwentuhan si Josh kina Chie at Torie. Si Max naman ay tahimik lang simula pa kanina.

"Okay ka lang?", bulong ko sa kaniya ngunit hindi siya sumagot.

"I miss you", nakagiti kong dagdag.

"Seriously? Ilang oras lang tayong hindi nagkita. Don't make me laugh, Florencio", saad nito at umirap.

"E sa namiss kita. Oo nga pala. Max?", tawag ko sa kaniya.

"What?", masungit na tanong nito.

"If I had to rate you on a scale of 0 to 10, I would give you an 8", seryosong sabi ko.

"What?!", lalong nainis na wika nito.

"Why 8? Kasi I'm in2 you", nakangiti kong tugon.

"Funny. Ha. Ha.", sarkastikong sabi nito. Di man lang kinilig. Ang tibay!

"Grabe ha. Sige na nga. I would give you a 9 na lang", nakanguso kong saad.

"Why not ten!?", maang na tanong nito.

"9 kasi I'm the 1 for you", saad ko at kinindatan siya ngunit wala pa ring talab.

"You're crazy, Florencio. I want ten out of ten", malditang sabi nito.

Jusko ang babaeng ito. Kaya pala hindi kiligin kasi demanding. Pero mahal ko pa rin siya kahit ganyan yan.

"Sige na nga! Max, TEN na kung irarate kita", napipilitan kong sabi.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon