Chapter 33

1.5K 101 121
                                    

Florence's POV

Ilang minuto na akong nakatingin sa hawak-hawak kong cellphone. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Tumawag si Migo at iniimbitahan ako para sa kaarawan niya sa susunod na araw. Ayoko sanang pumunta dahil alam kong naroroon din si Mark pero hindi ko naman kayang tanggihan si Migo.

Huminga muna ako nang malalim bago ko naisipang tawagan si Sol. Hiningi ko ang number niya bago kami magpaalam sa bawat isa. At nakatutuwa nga dahil sa loob lamang ng ilang araw ay malapit na kami sa isa't isa.

"Hi Sol?", bati ko sa kaniya.

"Hi, Floresecent? Napatawag ka?", masayang saad nito.

"Alam mo hanggang ngayon, hindi ko pa rin gusto ang tawag mo sa akin", nakanguso kong tugon. Ang bantot kasi pakinggan.

"Hahaha. Bahala ka jan. So bakit ka nga napatawag?", pag-uulit nito.

"Samahan mo ako", agad kong pahayag.

"Samahan? Hindi mo ba kayang mag-isa? Haha joke lang. Saan po ba?", pagbibiro nito.

"Kaarawan na kasi ni Migs. Pinapupunta ako sa kanila. Naisip ko ngayon na lang. Papasama sana ako sayo kung wala kang gagawin", alanganin kong wika.

"Sige. Walang problema. Wala naman akong gagawin", tugon nito.

Nagpalitan pa kami ng pag-uusap hanggang sa pinatay ko na ang tawag.

Nang sumapit ang 4pm ay naghanda na ako. Nagdala na rin ako ng sasakyan para hindi naman nakakahiya kay Sol.

"So close kayo ng anak ni Miss Maxine?", biglang tanong ni Sol habang nagdadrive kami papunta kila Migo.

"Oo. Sobra. Parang anak na ang turing ko kay Migo. Gusto ko ngang ampunin ang batang yun", nakangiti kong sagot.

"Bakit kailangang ampunin kung pwede mo namang asawahin ang nanay", rinig kong wika nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig ngunit hindi ko siya tiningnan dahil nakatuon ang aking paningin sa kalsada kaya naman kinuha ko na lamang ang neck pillow at binato sa kaniya.

"Ang bibig mo, Sol!", asar na wika ko.

"Hahaha. Bakit ka namumula?", dagdag pa nito dahilan para batuhin ko ulit ito ng nahawakan kong gamit.

"Masakit kaya. Tama na", natatawang saad nito.

"Buti sayo! Manahimik ka nga muna. Mamaya maaksidente pa tayo", tugon ko.

"Oo na po", natatawang saad nito at tumahimik na.

Nang makarating kami sa bahay nila Max ay nag-aalangan si Sol kung tutuloy ba o hindi.

"Tara na! Hindi mo kailangang mahiya dahil kasama mo naman ako. Saka nandito na tayo", saad ko.

"Pero kahit na nakakahiya pa rin. Saka makikita ko si miss Maxine sa personal", alanganing saad nito.

"Huwag kang matutulala sa ganda niya ha! Pero uunahan na kita, masungit yun ha", pabulong ko sa kaniya.

"Masungit pero mahal mo naman", nakangising tugon nito.

"Sol!!!", hindi makapaniwala kong saad dahil wala naman akong nababanggit sa kaniya.

"Biro lang", natatawa nitong saad kaya naman pinanggigilan ko na lamang ang dalawang dimples niya.

"How long do you plan to flirt with each other? Migo is waiting for you", rinig kong pahayag ni Max kaya napalingon ako sa kaniya.

"A-Ah M-Max", tanging nasambit ko.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon