Florence's POV
Excited na akong pumunta ng set dahil makakasama ko si Max. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mahulog lalo sa kaniya. Sigurado na ako sa nararamdaman ko.
Pilit ko mang pinaalalahanan ang sarili ko na hindi maaari, imposible, at walang patutunguhan ang nararamdaman ko ngunit wala e. Nangingibabaw pa rin. Lalo nga lang lumalim itong feelings ko sa kaniya.
Kaya naman kahit hindi ko masabi itong nararamdaman ko sa kaniya ay ipaparamdam ko na lang. Minsan ang mga salitang hindi natin mabitawan ay idinadaan na lang sa galawan.
Enjoy ko muna ang kilig saka ko na lang iisipin ang trauma. Kumbaga kilig now, trauma later. Mindset ba, mindset.
Napangiti ako nang makita ko si Max. Nakakatulala talaga ang kagandahan niya. Pakiramdam ko'y ilang linggo na kaming hindi nagkita.
Ang oa nuh? Samantalang kahapon ay kasama ko siya. Ganito ba ang nagagawa ng inlove?
Ayoko na palang mainlove. De joke lang.
Nakailang boyfriends naman ako ngunit hindi ako dumating sa punto na lagi ko silang namimiss kapag hindi ko kasama. Pero iba kay Max. Minu-minuto, oras oras gusto ko siyang makita at makasama. Malala na to.
"Florence?"
Napatigil ako sa paglalakad papunta kay Max nang marinig ko ang boses ni Joshua.
"Josh, musta?", nakangiting tanong ko sa kaniya.
Ang pogi talaga nito. Mukhang baby.
"Ikaw ang dapat kong kumustahin, okay na ba ang mga kamay mo?", tanong nito at tiningnan ang mga kamay ko.
Tinaas ko naman ang kamay ko upang makita niya.
"Oo. Okay na okay na. Pwede na ulit mapilay", pagbibiro ko.
"Puro ka talaga kalokohan", natatawang sabi nito at ginulo ang buhok ko. Mahilig siya sa ganyan.
"Wag mong guluhin ang buhok ko", nakanguso kong saad dito ngunit lalo lang nitong ginulo kaya naman pabirong hinampas ko siya.
"Ehem"
Napatigil kami ni Josh sa paghaharutan nang makita namin sa gilid si Max. Nginitian ko naman siya ngunit imbes na suklian ako ng ngiti ay inirapan ako nito.
Ano na naman kaya ang problema niya? Kahapon ay okay naman kami.
"Looks like your hand is fully healed. Kung saan saan dumadapo", saad nito at tinapunan ako ng masamang tingin.
"Oo magaling na. Galing ng nurse ko e", saad ko sa kaniya at kinindatan siya.
"W-Whatever", wika nito at iniiwas ang tingin sa akin.
"Bat may nurse? Dinala ka ba sa hospital? Akala ko minor lang. Sigurado ka bang okay ka na?", worried na tanong ni Josh.
"Isa-isa lang, Josh. Mahina ang kalaban. Okay na okay na ako. Minor lang naman saka sa bahay lang talaga ako nanatili", sagot ko dito.
"Good. Pinag-alala mo ko", saad nito at inakbayan naman ako.
"Namiss mo lang ako e", pagbibiro ko sa kaniya. Tumawa naman ito at muling ginulo ang buhok ko. Asar.
"Yeah. Namiss kita. Walang makulit dito", nakangiti nitong sagot.
Nginitian ko naman si Josh. Sanay na ako sa pagiging sweet niya. Actually hindi lang naman sa akin siya ganyan. Sa lahat naman ay malambing at gentleman talaga si Josh. Kaya swerte ng babaeng mamahalin nitong muli.
Yung dati kasi nitong kasintahan ay iniwan siya. Pero buhay nila yun kaya akong panghimasukan o pag-usapan.
Hindi ko namalayan na napatagal na pala ng ilang segundo ang pagtitig ko kay Josh.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...