Chapter 10

1.3K 86 21
                                    

Florence's POV

Pawis na pawis na umupo ako sa maliit na upuan pagkatapos naming magshooting. Isinasagawa na namin ang eksena na ipalalabas sa mga susunod na linggo.

Hindi ko kasama sa shooting na ito si Max dahil wala siya sa eksena. Nasa ibang location siya.

Hayy. Miss ko na siya.

Ilang araw na simula nang makabalik kami ng Quezon City. Mula din ng araw na umalis kami ni Max sa San Pedro ay hindi ko na ulit siya nakita.

Buti na lang talaga makulit ako. Haha. Lagi ko siyang pinadadalhan ng mensahe kaya naman kahit papano ay naiibsan ang pagkamiss ko sa kaniya.

"Okay ka lang, bebs?", tanong ng katrabaho ko na naging kaibigan ko na rin. Di naman kami nagkakalayo ng edad.

"Oo. Medyo nakakapagod lang yung mga stunts ngayon", saad ko at uminom ng tubig.

Hindi na ito nagsalita kaya hinayaan ko na lamang. Maya maya'y pagtingin ko ay may nakaharap ng camera sakin.

"Nakalive tayo bebs", ngiting sabi niya na hindi maririnig ng viewers at itinapat muli sakin ang camera.

"Huwag mo na akong ipakita kasi yung crush ko baka nanonood yung crush ko", nagaatubili kong sabi.

Alam kong maganda pa rin naman ako kaya lang nakakahiya na makita ako ng crush ko sa ganitong hitsura. Kanina lang ay pawis na pawis ako at pinunasan ko lamang ang mukha ko. Hindi pa ako nagaayos. Mamaya maturn off pa sakin yun. Tss.

"What!? Sinong crush mo?", nanlalaking mga mata na sabi nito at inilayo sa aming dalawa ang camera para hindi makita ng viewers.

"Basta. Layo mo na yan. Kung gusto mo, ikaw na lang", saad ko.

"Ikaw yung gusto nilang makita ooh", sagot nito at ipinakita pa sakin ang mga comments sa live niya.

"Nahihiya ako e", sagot ko at nahagip ang aking noo sa camera.

"Sino bang crush mo kasi?", pangugungulit nito.

"Basta. Baka nanonood yun", tanging nasabi ko na lamang.

Baka kasi nanonood yun. E updated lagi sa buhay ko yun. Joke.

"Tigilan mo ko. Hindi ko sasabihin", sagot ko nang muli ako kulitin ng aking kaibigan. Tapos na ang paglive niya kaya ayun todo kung mangulit.

"Damot. Crush lang naman e", sabi nito.

Sasagot pa sana ako nang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko ay nakita ko na galing kay Max kaya naman napangiti ako.

"Ayy galing sa crush mo yan nuh. Wagas kong makangiti bebs. Crush pa ba yan?", nang-aasar na sabi nito.

Hindi ko na lang siya pinansin at binuksan ko na ang message ni Max.

"Saw you", tipid na sabi nito.

Anong saw me? Saan? Lumingin lingon ako para tingnan kong nandito siya sa set pero wala naman siya. Saan niya ako nakita?

"Who's your crush!?", sunod na text nito kahit hindi pa ako nagrereply.

Nanlaki naman ang mga mata ko. So nakita niya ako? Naihilamos ko tuloy ang mga palad ko sa mukha ko. Ayan na nga ba ang sinasabi ko.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon