Florence's POV
Nakatingin sa kisame habang mga luha'y patuloy sa pagtulo. Tila may sariling pag-iisip na dumadaloy sa pisngi. Hungkag ang nararamdaman habang mga kamay ay pilit pinipigilan ang boses na nais kumawala.
Ilang beses mang pahirin, ipikit man ang mga mata, ngunit anuman ang gawin, para itong gripo na patuloy umaagos.
Paano ba ito pahihintuin?
Wala ba itong katapusan?
Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone ngunit hinayaan ko lamang. Sa mga oras na ito'y wala ako sa aking sarili upang sagutin ito.
Kung ito nama'y may kinalaman sa trabaho ay nagpaalam na ako sa direktor namin na hindi ako makapapasok ngayon dahil masama ang aking pakiramdam.
Isang araw lamang ang hiningi.
Isang araw na pagliban.
Isang araw para ayusin ang sarili.
Isang araw para hilumin ang sakit.
Isang araw para makahinga ang pusong sawi.
Isang araw para sanayin ang sarili kung paano magkunwari.
Nakabibinging katahimikan ang tanging maririnig dito sa bawat sulok. Walang liwanag na tumatama sa silid. Hindi ko na nga alam kung anong oras na ba.
Ilang oras na ba akong nakahiga?
Bakit hindi ako nakararamdam ng gutom?
Bakit ang katawan ko'y nanghihina?
Sinubukan kong manood ng kung ano ano ngunit ilang minuto lang ay nawalan agad ako ng gana.
Sinubukan kong libangin ang aking sarili sa mga social medias ngunit gaya ng panonood ay nawalan din ako ng interes.
Anuman ang nais kong gawin, wala pang isang minuto'y humihinto na ako. Bigla na lang kasing tumutulo ang mga luha dahil muling nagugunita ang mga alaala naming dalawa.
Mga gunitang kaysakit at kaysaya
Mga gunitang bahagi na lamang ng alaala
Sapagkat suyuan naming dalawa ay tapos na
At siya'y nasa kandungan na ng ibaNananaghoy itong puso.
Sobrang sakit.
Ngayon ko lang naramdaman ito.
Ngayon ko lang naranasan ito.
Maikli man ang panahon nang mapagtanto itong nararamdaman
Pakiramdam ko ngayon ay ako'y nasa kadiliman
Ikaw ang dahilan ng aking kasiyahan
Ikaw rin ang dahilan ng aking kapighatianNamumugto na ang aking mga mata ngunit hindi yata nagsasawa itong mga luha na patuloy lang sa pag-agos.
Nananariwa ang sakit at saya. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Nais ko munang matulog.
Sa panaginip, baka hindi na ako masaktan.
Hindi ko namalayan na nilamon na ako ng antok. Nagising na lang ako nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell.
Pupungas-pungas akong lumabas at tiningan kong sino ang tao.
"Ja?", gulat kong tanong sa aking matalik na kaibigan.
"Ayusin mo muna ang hitsura mo. Mag-usap tayo", seryoso nitong saad.
Nang makapasok ito'y tumungo na ako sa banyo para maghilamos. Kitang-kita sa salamin na halos papikit na ang aking mga mata.
"Kumain ka na ba?", agad na tanong nito.
"Hindi pa pero hindi pa ako gutom", tugon ko at umupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...