Florence's POV
Pagdating namin ng bahay ay agad na pinagbuksan kami ni mama ng gate. Hindi niya alam kung sino ang kasama ko pero nabanggit kong may dala kaming sasakyan.
Nang makapasok sa loob ay hinampas agad ako ni mama sa braso.
"Aray ma, bakit po?", haplos ang braso na tanong ko.
"B-Bakit hindi mo naman sinabi na si Maxine Salvador pala ang kaibigan na tinutukoy mo?", inis na bulong nito.
"Kailangan po ba? Hehe sorry na", alanganin kong sagot.
"Max and baby Migs, sina mama at si kuya Francis. Haha. Ma, kuya, si Max po at ang baby namin este baby po niya si Migo", pagbibiro ko.
Paano ba naman si mama at kuya parang nakakita ng ahas? Sabagay ahas naman pala si Max. Joke. Seryoso na. Paano ba naman nakatulala lang sina mama at kuya habang ipinapakilala ko sina Max samantalang si Max naman ay tila nahihiyang lumapit. Buti pa si Migo.
"Tita Gandaa, what should I call them? M-Mama and Tito po?",tanong ni Migo na ang ganda ng accent sa pagbanggit ng mama at tito. Parang tiwtow. Tunog mayaman.
Mukhang natauhan naman sina kuya at mama sa pagkakastarstruck kay Max nang marinig ang tanong ni Migo.
"You can call me Tito F", nakangiting sagot ni kuya.
"Call me Mamu", magiliw na pahayag ng mama ko kay Migs.
"Hello po, Tito F and Mamu. I am Migo. Son of my beautiful mommy Maxine and Tita Ganda also is my another momma kasi she always cooks for us. And Tita Gandaa po invited us to come here. Nice to meet you po", masaya at mahabang litanya ni Migs at niyakap ang dalawa at hinalikan sa pisngi.
"Napakasweet naman ng batang ire", natutuwang wika ni mama.
Pero sandali? Loading ...
Mamu? Jusko naman si Mama. Anong pauso yan?
Pero pagtingin ko kay mama ay masayang-masaya siya kaya naman napangiti na lang ako. Hahayaan ko na lang ang tawagan nila. Ang mahalaga ay masaya sila. Saka ngayon ko na lang nakitang ganyan na tila ba excited si mama simula nang mawala si papa.
"Good evening po, ma'am and sir. I'm sorry po for coming here without informing you", nahihiyang sabi ni Max. Bait yarn?
"Napakaganda mo pala iha sa personal. Ang puti-puti mo rin. Naku hindi ka pwedeng lumabas dahil baka pagkaguluhan ka ng mga kapitbahay namin", saad ni mama at hinawakan ang kamay ni Max.
"Yes po, ma'am", sagot naman ni Max.
Wow talaga! Kanina ang sungit niya. Ngayon para siyang hindi makabasag pinggan.
"Naku, iha. Tawagin mo na lang akong Mama. Masyado ka namang formal. Kumain na ba kayo? Halina't naghanda ako ng hapunan ninyo", nakangiting wika ni mama at hinila si Max papuntang kusina. Si kuya naman ay buhat buhat si Migo.
Habang pinagmamasdan sila ay nakaramdam ako ng kasiyahan at kakuntentuhan. Hindi ko mawari ngunit ayoko munang bumalik sa reyalidad. Ayokong lumipas agad ang tatlong araw.
"Anak, anong nginingiti mo jan? Halika na't kumain ka na rin", tawag ng mama ko.
Pumunta na ako sa hapag kainan. Tiningnan ko sina Max and Migo. Kahit hindi kasing ganda ng bahay nila ang bahay namin ay hindi ko kakikitaan ng arte.
"Wow!! Mamu, Tito F. There's a lot of foods. Whats the occasion po?", namamanghang tanong ni Migo.
"Naku apo, kunti pa lang yan. Bukas maghahanda ako nang marami", nakangiting sagot ni mama.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...