Chapter 26

1.2K 91 99
                                    

Florence's POV

Halos maibato ko ang hawak-hawak na phone nang mabasa ko ang nilalaman ng artikulo. Gigil na napasabunot ako sa aking buhok.

Ano na naman ito?

Nanghihinang napaupo ako sa kama habang inis na inihihilamos ang dalawa kong palad sa aking mukha.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko na rin alam kung anong paniniwalaan ko.

Napapagod na ako.

Hindi ko maintindihan ngunit nitong mga nakaraang araw, hindi ko na makita ang sarili na ngumingiti.

Tuwing pupunta ako sa bahay nila Max, naroroon si Mark. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil una, hindi alam ni Mark ang namamagitan sa amin ni Max. Ikalawa, wala naman akong karapatan na pakialaman ang desisyon ni Max dahil parehas lang kami ni Mark na manliligaw.

Nalilito na ako sa kung saan ba ako lulugar.

Paano ako manliligaw kung pilit na ginagawa akong lihim?

Paano ko maipahahayag itong aking nararamdaman kung walang dapat na makaalam?

Hindi ko na mawari pa ang tamang hakbang na gagawin. Ang hirap palang itago. Ang hirap ng may kakompetensiya pagdating sa pag-ibig.

Laging may pag-aalala, takot, at pangamba dahilan upang mawalan ng kumpiyansa at umasa na lamang sa baka sakali.

Ilang gabi ko na ring iniisip kung paanong mabibigyan ko ng solusyon itong aking kinahaharap.

Ngunit kahapon imbes na solusyon ang matanggap ay panibago na namang suliranin ang dumating.

Flashback

"Florencio? Can we talk?", biglang tanong ni Max habang kumakain kami dito sa condo.

"Oo naman. Ano ba yun?", nakangiti kong saad at nilagyan ng tubig ang kaniyang baso.

"My manager talked to me kanina and he's asking me to do something but I didn't answer him yet kasi ahm I respect you as my suitor kaya I really wanna for your consent muna", nag-aatubiling kwento nito.

"Consent about saan?", nagtataka kong tanong.

"About Mark and I ... going out", saad nito habang nakatingin sa plato.

"Going out? Diba manliligaw pa lang siya? Max, ano bang ibig mong sabihin?", medyo naiinis kong saad pero pilit kong kinakalma ang sarili upang hindi kami magtalo sa hapag-kainan.

"Please don't be mad. Listen to me first. M-My manager asked me na if ever daw may lalabas na news about me and Mark, hayaan ko lang", sagot nito.

"At bakit niya naman ipagagawa yun sayo? Max may sarili kang desisyon, huwag mong sabihin sakin na pinag-iisipan mo?", nanggagalaiti kong tanong.

"Calm down, okay! Kaya nga I'm here kasi I wanna talk to you. I wanna hear your opinion. Its not like I agree. But Florencio, I do understand him. He said kasi na ang taas ng rating ng kabilang show. Baka mapag-iwanan tayo since lagi silang trending. And right now, very popular ang series nila. Thats why maybe because of pressure or what, my manager came up with that decision para you know magcause ng ingay", mahabang paliwanag nito.

Nanghihinang binitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko. Nawalan na ako ng ganang ipagpatuloy pa ang pagkain.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Tatanggihan? Dahil hindi ko kayang makita sa mga pahayagan o telebisyon ang balita hinggil sa kanilang dalawa ni Mark? At uunahin ko muna ang sarili kong nararamdaman upang hindi masaktan?

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon