Florence's POV
Nakangiting pinagmamasdan ko ang natutulog na mukha ni Max. Nakatulog na ito habang nasa biyahe.
Kanina nakipagtalo pa ito na siya ang magdadrive pero dahil nangangatuwiran ako ang pumili ng lugar ay hinayaan na lamang ako.
"Max gising na", saad ko at maingat siyang tinapik-tapik.
Ayaw ko man siyang gisingin ngunit masasayang ang araw namin lalo na't isang araw lang kami dito at mamayang gabi ay kailangan na rin naming umalis dahil sa balik-trabaho na ulit kami.
"Max, gising na", pag-uulit ko.
"Oh. S-Sorry I fell asleep", saad nito at sinuklay pa ang buhok gamit ang kamay nito. Hot.
"Okay lang. Nandito na tayo. Halika na", nakangiting sabi ko at nauna ng bumaba ng sasakyan para mapagbuksan siya.
"What place is this?", tanong nito habang inililibot ang mata sa paligid.
Sasagot na sana ako nang makita ko ang dalawang babae at isang lalaki sa gilid naming dalawa.
"Good morning, ma'am Florence and ma'am Maxine. Welcome po sa Shercon Resort and Ecology Park. We are happy to be at your service", nakangiting sabi ng babae.
Pinagmasdan ko ang babae. Maganda ito kahit maliit lang. Siguro hindi nalalayo ang edad nito sa amin ni Max.
Ngunit hindi pa man nagtatagal ng tatlong segundo ang tingin ko ay nakaramdam naman ako ng kirot sa tagiliran ko.
Pagtingin ko sa salarin ay inirapan ako nito. Anong problema niya?
"Salamat", nakangiti kong sabi sa kanila.
"Gutom ka na?", bulong ko kay Max habang naglalakad kami papunta sa suit namin.
"Not yet", saad nito.
"Gusto mo ba maglibot-libot muna?", tanong ko sa kaniya.
"Okay", simpleng sagot nito.
Nang makarating kami sa suit ay inilagay ko agad ang mga gamit namin sa kama. Pagkatapos ay sinilip ko ang bintana. Kilala ang Shercon dahil sa ganda ng view nito sa Taal at Tagaytay Ridge.
"Max, halika", saad ko at hinila ang kamay nito papunta sa pwesto ko.
"Wow", namamanghang sabi nito nang makita ang tanawin sa labas.
"Diba? Ito ang pinili ko dahil alam kong mahilig ka sa nature plus gusto ko rin magbeach pero dahil wala si Migo, magpool na lang muna tayo. Kung may rice terrraces sa Banaue, mayroon namang pool terraces dito", paliwanag ko sa kaniya.
"You sure knows a lot", nakataas ang kilay na sabi nito.
"Siyempre. First na labas natin ito. Gusto ko maging special. Sa susunod na ang romantic date para may kasunod. Haha", natatawa kong saad.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...