Chapter 11

1.3K 114 70
                                    

Florence's POV

Bumaba na ako ng kotse nang huminto ito sa tapat ng condo na tinitirhan ko.

"Are you sure kaya mong mag-isa? Kung gusto mo dito muna ako magsstay para may kasama ka", nag-aalalang sabi ng handler ko.

Ngumiti naman ako sa kaniya at umiling.

"Beth, huwag kang mag-alala. Okay lang ako. Malayo ito sa bituka", nakangiti kong sagot.

"Malayo sa bituka eh paano ka makakakain niyan?", hirit nito.

"Isang kamay ko lang ang may pilay. Hindi dalawa. Wag ka na mag-alala. Kung sakali man may problema o hindi ko kaya ay tatawagan kita", tugon ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga naman si Beth.

"Sige. Basta tawagan mo ko kung may problema ha. Magpahinga ka muna hanggang sa maging okay ang kamay mo", saad nito.

"Opo, mama", pagbibiro ko kaya inirapan niya ako.

Nang makaalis ang kotse ng handler ko ay nagtungo na ako sa unit ko. Halos isang linggo na kaming nagsoshooting at talaga namang nakakapagod. At sa hindi inaasahang pangyayari ay napilay ang ilang daliri ko kanina. Buti na lang hindi naman malala. Ilang araw lang na pahinga at treatment ay magiging okay na ulit.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagpicture muna ako. Tiningnan ko ang aking sarili. Cute ko pa rin kahit may pilay.

Pagkalipas ng ilang minuto na kakatitig sa picture ko kung okay na ba at maganda na ba ako o maayos ba ang picture ay nagstory na ako sa Instagram

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkalipas ng ilang minuto na kakatitig sa picture ko kung okay na ba at maganda na ba ako o maayos ba ang picture ay nagstory na ako sa Instagram. Nilagyan ko na rin ng caption.

Pagkatapos ay binuksan ko naman ang Tiktok ko. At alam ninyo ba? Siyempre hindi pa. Simula nang panoorin ko ang mga fanmade videos namin ni Max, ito na lagi ang laman ng fyp ko. Normal pa ba ito?

Tuwing magsscroll ako ay puro sweet moments nina Darna at Valentina ang lumalabas. Pero hindi ako natutuwa dahil karamihan dun sinasabing top si Max aka Valentina.

Hindi ako makakapayag! Ako ang dapat na top!

Nang makaramdam ng antok ay itinabi ko na ang phone ko at nagpasya nang matulog.

Hindi ko namalayan kung ilang oras na akong nakatulog. Nagising na lang ako nang marinig ko ang ilang ulit na pagtunog ng doorbell. Bagamat inaantok pa ay nagpasya na akong lumabas.

"Why aren't you answering my calls?", galit na bungad ni Max.

"Ha?", tanging nasambit ko lang. Kagigising ko lang galit na mukha agad niya ang sumalubong.

"Bakit ang tagal mo kong pagbuksan?", saad nito at nagkusa ng pumasok sa loob ng unit ko.

"Sorry. Kagigising ko lang", sagot ko at inaya itong umupo sa sofa.

"What happened to your hand?", tanong nito habang nakatingin sa kamay ko.

"Minor accident lang pero okay naman ako. Ako pa ba", pagbibiro ko at ipinakita ko pa ang muscles ko sa kaniya.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon