Chapter 24

1.2K 89 58
                                    

Florence's POV

Nakangiting hinawakan ko ang kanang kamay ni Max habang inaalalayan ito papuntang Club Manuel Hall.

Ang Club Manuel Hall ay isa sa mga asset ng Shercon Resort. Dito kadalasang ginaganap ang mga wedding, proposal, o mahahalagang pangyayari ng mga magkasintahan o mag-asawa.

Masayang-masaya ang puso ko ngayon dahil kahit papaano ay tanaw ko ang pag-asa na hindi imposible na maging kami ni Max.

"Where are we going, Florencio?", muling tanong ni Max.

"Basta. Malapit na tayo, Max. Kunti na lang", tugon ko sa kaniya.

"I hate surprises so please", saad nito.

"Promise! Magugustuhan mo ito", nakangiting sagot ko sa kaniya.

Malapit na magalas-otso at mamaya ay uuwi rin kami. Wika nga nila save the best for the last kaya naman gusto ko siyang surpresahin.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating din kami sa venue. Halos mapanganga ako nang makita ko kung gaano kaganda at kahusay ang pagkakadisenyo ng kapaligiran.

Namamanghang pinagmasdan ko ang kabuuan. Nakadikit sa bawat punong-kahoy ang iba't ibang ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim na gubat.

Nakakalat naman sa mga damo ang halo-halong uri ng palamuti na nakatutulong lalo upang mapaganda ang paligid dahil sa iba't ibang kulay na hatid nito.

Pagtingin ko naman sa gitna ay lalong lumawak ang aking ngiti. May nakalagay na red carpet sa daanan papunta sa aming kakainan ni Max. Sa bawat dadaanan naman ay may nakalagay na maraming magagandang bulaklak.

At ang huli ay lalong nakapukaw ng aking interes dahil sa dulo ng destinasyon ay ang pentagon. Wala itong bubong ngunit napalilibutan ito ng mga tela kaya tila may seremonyang gagawin dito.

Sa gitna ng pentagon nakalagay ang isang mesa at dalawang upuan na para sa amin ni Max. Tanaw ko rin ang mga nakahandang kagamitan sa ibabaw ng mesa at siyempre hindi mawawala ang favorite wine ni Max.

Kumpiyansang napangiti ako sa ganda na aking nakikita. Talagang pinaghandaan ko ito at pinagpaguran. Marami akong kinausap at kinuntsaba na staff upang maisagawa ang plano na ito sa maikling oras.

Hindi na ako makapaghintay pa na makita ito ni Max. Malaki ang tiwala ko na magugustuhan niya ito. Tiyak na matutuwa ito.

"Surprise", excited na saad ko kasabay ng pagtanggal ko sa piring niya sa mata.

Napangiti naman ako agad nang makitang gulat na gulat si Max sa nakita. Ngunit ang ngiti sa labi ko'y biglang naglaho nang makita ang pagdilim ng mukha nito.

"H-Hindi mo n-nagustuhan?", kinakabahan kong tanong dahil batay sa reaksyon nito ay mukhang hindi siya masaya.

"What is this, Florencio!?", ramdam ko ang pagpipigil nito ng galit sa paraan ng pagkakasabi nito.

"G-Gusto ko sanang magdinner date tayo. May p-problema ba?", hindi makatinging paliwanag ko.

"Dinner date? Fuck! Florencio! Do you even think or are you out of your mind!? Don't you think na hindi lamang tayong dalawa ang nandito sa lugar na ito? Do you think walang makakakita nito!?", pasigaw na wika nito.

"S-Sorry. Gusto lang naman kitang isurprise", nakayukong saad ko habang pigil ang mga luhang kanina pa nais bumagsak. Ang babaw ng luha ko. Nakakainis.

"You don't have to surprise me! Ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga tao kapag nakita nila ito? My god, Florencio! They will think na may namamagitan sa ating dalawa. This is really hard to explain", galit na sabi nito.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon