Chapter 5

1.3K 95 36
                                    

Florence's POV

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong tinatawag ako ni Max.

"Bakit?", nagtatakang tanong ko.

"Are you free tonight?", tanong nito habang nakatingin saking mga mata.

"O-Oo. Bakit?", nauutal kong sagot dahil paano ba naman feeling ice cream ako na matutunaw sa init ng mga tingin niya. Nakakaackkkkkla.

"Remember last time that I invited you to watch a movie together with my son? G?", she asked.

"Ooh", tanging nasambit ko.

Naalala ko ang araw na iyon. Niyaya ko siyang ihatid pauwi sa kanila ngunit tinanggihan ako. Naiintindihan ko naman ang dahilan ngunit ang di ko maintindihan ay kung bakit nalulungkot ako. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ko siya tinanong na kung pwede ko ba siyang ihatid e may driver naman siya. Kusang lumabas lang talaga sa bibig ko.

Napabuntong-hininga tuloy ako nang wala sa oras. Hindi naman ako ganito sa kaniya dati.

"You don't want? Its okay maybe next time?", saad nito.

Sa ilang sandali ay nakalimutan kong nasa harapan ko pala siya.

"Ha?", agad kong tanong.

Anong ayaw ko? E free nga ako tonight. Tss.

"I think you need to rest na lang. Maybe lets watch a movie on some other time", saad nito at tatalikod na sana ng hawakan ko ang braso niya at iniharap sakin.

"S-Sandali lang. Hindi ko naman sinabing ayaw ko, diba? Tara na. Miss ko na rin si baby Migo", saad ko habang nakangiti.

Naalala ko ang napakagwapo at napakacute nitong baby boy. Kabaliktaran ng ina ay masiyahin at malikot ito. Siguro namana sa boyfriend ni Max.

"He missed you too", nakangiting sagot niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay nakarating kami sa bahay nila.

"Mommyyyyyy!", rinig kong sigaw ni Migo papunta kay Maxine at niyakap ito.

"Baby look who's our guest today", nakangiting tanong ni Max kay Migo. Agad naman akong lumabas sa pinagtataguan ko nang marinig ang sinabi ni Max. Yun na ang go signal ko. Haha.

"Tita Gandaaaaa", tuwang-tuwang sigaw nito at niyakap ako nang mahigpit.

Napakalambing ng batang ito kahit napakakulit. Sa loob ng isang taon ay napalapit na ang loob ko kay Migo.

"Tita Gandaa, I miss you na po. I've told mommy multiple times that you have to come here cause I miss you na po a lot but mommy told me that you're busy", tila nalulungkot na sabi nito. Cutie baby.

Napatingin naman ako kay Max. Ngumiti lang ito. Hindi sinabi Max sakin ang sinabi ni Migo.

"Sorry, baby Migz. Super busy lang. Gusto mo dito pa ako hanggang bukas e", pagbibiro ko.

"Really? Yehey! Mommy! Tita Ganda said na she will stay here with me until tomorrow po. Yehey", masayang kwento ni Migo habang hawak hawak ang kamay ko.

Napatulala naman ako saglit. Nagbibiro lang naman ako. Hindi ko akalain na totohanin pala ni Migo ang sinabi ko. Tumingin ako kay Max para humingi ng saklolo.

"Good for you, baby", saad ni Max ngunit nakatingin sakin.

Ang mga tingin niya ay tila nagsasabing dapat kong panindigan ang sinabi ko dahil kung hindi ay malalagot ako. Napasubo tuloy ako.

"Hehe", tanging nasambit ko lang.

"Tita Gandaaa, lets play na po", pagyaya ni Migo.

Agad namang nilapitan ni Maxine si Migo.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon