Chapter 29

1.2K 98 100
                                    

Florence's POV

Hindi ko mapigilang mapaluha nang marinig ko ang live interview nina Maxine at Mark. Naninikip ang aking dibdib at pakiramdam ko'y anumang oras ay sasabog ito. Hindi ko matanggap. Ang sakit. Tila paulit-ulit na tinutusok ng kutsilyo ang aking puso.

"Flor?", nag-aalalang tawag ni Josh.

"J-Josh ang sakit. Ang sakit sakit. Paano kong totoo na ito? Paano kung wala ng halong pagpapanggap ito? Josh, hindi ko alam ang gagawin ko", puno ng pait na tanong ko.

"Flor, huminahon ka", mahinang pahayag nito.

"P-Paano, Josh? Paano kung totoo na pala ang balitang yan?", naiiyak kong tanong sa kaniya.

"Si Maxine lang ang makasasagot ng mga tanong mo, Flor. Bakit hindi mo muna siya kausapin? Malay mo may dahilan kaya niya nasabi ang mga iyon", mahabang pahayag nito.

"Anong dahilan, Josh? Anong dahilan niya para magawa niya akong saktan? Ang pagmukhain akong tanga?", naninikip ang dibdib na tanong ko.

"Flor, hindi sa kinakampihan ko si Maxine ha pero alam mo naman dito sa showbiz diba? Bakit hindi mo muna kumpirmahin sa kaniya at itanong ang dahilan niya?", pangungumbinsi ni Josh.

Pinunasan ko ang aking luha. Maaaring tama si Josh. Baka may mahalagang dahilan si Maxine kaya niya nasabi ang mga iyon. Baka gaya ng dati, may dahilan kung bakit niya ginawa yun.

"Aalis na ako, Josh. Pupuntahan ko siya", saad ko at nagmamadaling umalis.

"Sasamahan kita, Flor! Hindi ka pwedeng magdrive mag-isa nang ganiyan ang sitwayon mo. Baka ikapahamak mo pa", tugon niya at inagaw ang susi sakin.

"Saan natin pupuntahan si Maxine?", tanong nito.

"Sa bahay nila", diretso kong sagot.

Sa totoo lang hindi ko alam kung nasa bahay si Max dahil araw-araw ko siyang pinupuntahan sa bahay nila ngunit wala siya.

Nagulat na lamang ako nang makita kong nagpapainterbyu siya kasama si Mark.

"Sigurado ka?", nag-aalalang tanong ni Josh.

Tumango naman ako. Wala akong pakialam kung may media man na naroroon. Wala akong pakialam kung naroroon man ang ama ng kaniyang anak. Gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman sa kaniyang bibig ang totoo.

Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi ko alam kung anong naging problema. Masayang-masaya pa kami noong nakaraang linggo. Pagkatapos ay hindi na niya ako kinausap.

Isang linggo siyang hindi nagparamdam. Anuman ang gawin ko ay hindi ko siya makausap. Hindi niya sinasagot ang text o tawag ko. Tuwing pupunta naman ako sa kanila ay wala raw siya.

May nagawa ba akong kasalanan?

Ang saya-saya ko pa dahil narinig ko na sa wakas ang mga salitang matagal ko ng inaasam sa kaniya.

Nag-uumapaw pa ang kaligayan ko dahil nagustuhan niya ang surpresa ko at labis na naging masaya kaming dalawa nang gabing iyon.

Ito ba ang kapalit nun? Ang sakit?

Max, bakit?

Hindi ko maintindihan kung paano at bakit kami humantong sa ganito.

"Here", rinig kong sabi ni Josh.

Pagtingin ko sa kaniya ay may iniabot itong panyo. Nahihiya kong tinanggap ang panyo niya.

"Josh, salamat", saad ko.

Tuwing umiiyak ako ay laging nariyan si Josh para bigyan ako ng panyo. Sobrang pasasalamat ko dahil may kaibigan akong kagaya niya.

"Sabi ko naman sayo diba? Narito ako lagi tuwing iiyak ka. Tuwing kailangan mo ng masasandalan, nasa tabi mo lang ako", nakangiti niyang wika.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon