Chapter 15

1.3K 117 95
                                    

Florence's POV

Hawak-hawak ang aking mga labi na nakatingin sa mga salamin. Hindi ko na alam kung ilang oras ko na bang pinakikiramdaman ang nananatiling lambot ng labi ni Max sa aking mga labi.

Did she just kissed me?

Hindi ako nananaginip lang?

Totoo ba lahat ng ito?

Pigil na pigil ko ang pagtili mag-isa sa guest room habang nagpapaikot-ikot sa kama. Kusang sumisilay ang ngiti sa aking labi sa kilig na nararamdaman.

Pero bakit?

Bakit niya ako hinalikan?

Alam na ba niyang may gusto ako sa kaniya?

O baka naman may gusto siya sakin?

Imposible.

She's straight.

Pero straight din naman ako?

Straight pero sa kaniya lang ako nabaliko.

Ipinilig ko ang aking ulo. No. Hindi ako maaaring magassume na gusto niya ako dahil lang sa hinalikan niya ako. She's straight. Anuman ang dahilan niya kung bakit niya iyon nagawa ay paniguradong hindi dahil sa may nararamdaman siya sakin.

Sabi nga nila huwag kang magaassume dahil lamang sa pinakitaan ka ng interes. Matuto kang hintayin ang mga salita mula sa bibig niya at hayaan siyang malayang iparamdam sayo ang nararamdaman niya. Para sa huli hindi ka masasaktan dahil lang sa nagassume ka.

Well gaya nga ng nabanggit ko anuman ang dahilan niya sa paghalik sa akin ay hindi ko na muna iisipin. Desidido na ako.

Gusto man niya ako o hindi, no choice siya.

Napagpasyahan ko ng ipaparamdam ko na lang sa kaniya ang mga salitang hindi ko mabitawan hanggang sa kaya ko na.

I'll take the risk.

Ipakikita ko sa kaniya kung paano magmahal ang isang Jane Florence De Leon.

"Mama Ganda?", rinig kong tawag sa akin ni Migo kaya naman dali-dali akong napatayo at binuksan ang pinto.

"Yes baby?", nakangiti kong tanong.

"Mommy asked me to call you po kasi eat na tayo", cute na sabi ni Migo.

"Okay baby Migs", sagot ko at hinawakan ang kaniyang maliit na kamay patungong dining area.

Pagdating ko ay nagulat naman ako nang ipaghila ako ni Max ng upuan. Yung puso ko na naman ay nagsimulang magkagulo.

"S-Salamat", nauutal kong saad sa kaniya.

Hindi ba dapat ako ang magpaparamdam sa kaniya ng ganito?

"Anything for you, Florencio", nakangiting saad nito.

Napakaganda talaga ng binibining ito lalo na kung ngumingiti. Tila isang diwata na kinuhang endorser ng colgate. Kayganda! Pak!

"Niluto mo ang mga ito?", namamangha kong tanong nang makita ko ang pork adobo at chop suey.

"Yes. You need to regain your lakas after what happened kanina", malambing na sagot nito.

"Wow. Pwede ka na mag-asawa", nakangiting pagbibiro ko.

"If you're ready then", saad nito habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Migo.

Tangang napatulala ako sa sinabi niya. Ano raw?

"M-Mukhang mapaparami ang kain ko", biglang saad ko upang hindi niya mapansin ang kabang nararamdaman ko.

Ngunit nang akma kong kukunin na ang kutsara para kumain ay agad na inagaw ito ni Max. Napakunot-noo naman akong tumingin sa kaniya.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon