Florence's POV
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang mahihinang pagtapik sa aking pisngi. Pagmulat ko ng aking mata, magandang mukha ni Max ang bumungad sa akin.
"I'm sorry for waking you up, luv. We're here na kasi. Manong is waiting", malambing na pahayag nito.
Ilang oras din ang byahe namin papunta dito sa Lipa, Batangas. Kanina, nagulat na lamang ako dahil pagkatapos ng interview niya ay dumating ang kaniyang driver upang sunduin ako at ihatid sa kinaroroonan ni Max.
"Why?", masuyong tanong nito dahil nakatitig lamang ako sa kaniya.
Hindi ko mapigilan ang sarili na haplusin ang makinis nitong mukha. Paano pa ako makakabangon nito kung hulog na hulog na ako sa binibining kaharap?
"I love you", masuyo kong wika.
Hindi ko pinansin ang pagpula ng pisngi nito. Pinakatitigan ko lamang ang mga mata nitong kababanaagan ng pagmamahal at kasiyahan.
"I love you too. Lets go na. Medyo hungry na ako", nakangiting wika nito at hinila ako palabas ng kotse. Nagpasalamat muna kami kay Manong bago siya umalis.
"Sino ang may-ari nito?", namamangha kong tanong kay Max.
Bagat madilim, kitang-kita pa rin ang kagandahan ng buong paligid dahil sa mga ilaw na kulay kahel ang liwanag.
Sa harap namin ay mayroong malaking bahay na napakaganda ng estruktura. Sa paligid naman nito ay may mga kubo na may nakasabit na mga ilaw. May natatanaw din akong pool o batis?
"Me", tipid na sagot nito kaya napalingon ako.
"Talaga?", gulat kong pagkukumpirma.
"Yeah. I know you will like this kaya dito kita dinala. You'll appreciate the beauty of this place sa araw", nakangiting sagot nito.
"Kahit gabi, maganda. Just like you", saad ko at ginantihan siya ng matamis na ngiti.
"God! You're so cheesy! So anyway is it okay if we're gonna stay here for three days?", tanong nito habang naglalakad kami papasok ng bahay.
"T-Tatlong araw? Sigurado ka? Paano ang trabaho natin?", takang tanong ko.
"I already asked your mommy, our directors, and our bosses. You have nothing to worry. They agreed", pagpapanatag nito.
"Pumayag sila? Ayy! Sandali. N-Nakausap mo si Mommy? Kailan pa? Paano?", gulat kong tanong dahil walang nabanggit sa akin ang ina ko.
"Isa isa lang, luv. Before the interview, kinausap ko na lahat ng dapat kausapin", wika nito at humiga agad pagkapasok namin sa kwarto.
"Napagod ka ba sa biyahe?", tanong ko at minasahe ang paa nito.
"Medyo. You?", tanong nito habang nakapikit ang mga mata.
"Okay lang ako. Pahinga ka muna. Magluluto lang ako", paalam ko sa kaniya.
"You should rest first", suhestiyon nito.
"Nakatulog na ako kanina. May gusto ka bang kainin?", malambing kong tanong at pinisil pisil ang kamay nito.
"You", saad nito habang titig na titig sa akin. Pakiramdam ko'y may kuryenteng dumaloy sa aking kalamnan. Ano raw!?
"I mean ikaw ang bahala", nakangiting dugtong nito nang makita siguro ang reaksyon ko.
"O-Okay. Dito ka lang. Tawagin na lang kita kapag ready na. I love you", pahayag ko at hinalikan siya sa noo.
"I love you too", malambing na wika nito.
Nagbihis muna ako bago tumungo sa kusina. Nagsaing muna ako saka nagpasyang adobo ang lulutuin kong ulam.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...