Florence's POV
Naninikip ang aking dibdib habang wala akong magawa kundi panoorin lamang siya habang nakikipaghalikan.
Pakiramdam ko'y anumang oras ay mawawala na ako sa aking katinuan. Ang sakit makita na ang taong mahal mo ay may ibang mahal at hinahabol. Higit sa lahat, kaysakit makita na imbes na ako ang kahalikan niya sa mga oras na ito'y iba.
Nais pumatak ng aking mga luha ngunit pigil na pigil ang sarili na huwag itong tumulo. Hindi maaari. Hindi dapat.
Dapat akong maging masaya para sa kaniya diba?
Dapat ngiti ang aking ipakita hindi mga luha?
Ito na ba talaga ang huli?
Wala na ba talaga kaming pag-asa?
"Okay! Cut", rinig kong sigaw ng direktor namin.
Huminga muna ako nang malalim upang hindi tuluyang pumatak ang aking mga luha. Nang makakalma ay lumapit ako sa aming direktor.
"Great job, girls! Wrap up muna tayo sa araw na ito. Florence, Maxine, and Josh, you guys deserve a break. Have a nice rest", nakangiting saad ng direktor namin.
Nandito kami ngayon para sa taping. Ilang araw na ring sunod-sunod ang taping namin.
"Thank you, direk", masaya kong saad bagamat pagod.
Narinig ko ring nagpasalamat sina Max at iba pa. Ngunit dumiretso na ako kay Kim na may hawak hawak na kape dahil nakiusap ako kanina na kung maaari ay bilhan niya ako.
"Ito na ang coffee mo", saad ni Kim.
"Salamat, Kim", sinsero kong saad.
"Anong salamat?! Ilibre mo ako ng dinner!", nakanguso nitong turan.
"Yan na ba ang bagong paraan ng pagyaya ng date?", nang-aasar kong saad dahilan para manlaki ang mga mata nito.
"Baliw ka talaga! Baka mamaya may makarinig sayo. Ang bibig mo, Florence!", yamot na sabi nito.
"Nahihiya ka ba? Bakit, maganda naman ako ha?", dagdag ko pa upang lalo siyang asarin.
Hinampas naman ako nito kaya tawa ako nang tawa sa reaksyon niya.
"Florence, kahit maganda at sexy ka pa, hinding-hindi kita papatulan nuh? Straight kaya ako. Never magiging bendable", namumulang saad nito dahilan para matawa ako nang sobra at panggigilan ang pisngi nito.
"Ang patola mo naman! Binibiro lang kita. Di kita type nuh!", natatawa kong pahayag.
Sa ilang araw na magkasama kami sa taping, kahit papano'y naging malapit ang loob ko kay Kim. Siya ang tipo ng kaibigan na laging walang dull moment. Lagi kang matatawa.
"You two? If you're going to flirt with each other, just leave already", malamig na saad ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako.
Kitang-kita ko ang madilim na mukha ni Max. Para itong pusa na anumang oras ay mangangalmot na lang ata bigla.
"H-Hindi naman kami naglalandian", agad kong paliwanag.
"Whatever!", saad nito at inirapan ako.
"Jelly, jelly si mommy!", natatawang wika ni Kim ngunit hindi ko na lamang pinansin.
"Salamat dito, Kim ha, una na ako", nakangiti kong pahayag.
"Alis ka na? Labas tayo!", pagyaya nito.
"Sa susunod na lang, Kim. May lakad ako mamaya", wika ko.
"Talaga? Sige. Enjoy!", saad nito at namaalam na.
Habang papunta na ako sa parking lot ay tumunog ang phone ko. Napangiti ako nang makita ko na tumatawag si Sol.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...