Florence's POV
Kinabukasan ay gumising ako nang wala na sa tabi si Max. Dumiretso muna ako sa cr para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay lumabas na ako.
Pagdating ko ng sala ay nakita kung masayang nakikipaglaro si Migo kay Kuya Francis.
"Good morning, kuya and baby Migs", bati ko sa kanila. Yumakap naman sakin si Migo at hinalikan ako sa pisngi.
"Good morning too, Tita Gandaa", nakangiting batin ni Migo at muli akong kiniss sa magkabilang pisngi.
"Para kayong magnanay", amuse na saad ni kuya.
"Kuya naman e. Mukha na ba akong nanay?", nakanguso kong tanong pero may parte ng puso ko na natuwa sa sinabi ni kuya.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin, bunso", natatawang sabi ni kuya.
"What's magnanay po?", sabat ni Migo. Humarap naman ako sa kaniya.
"Magnanay is like a mother, baby. Ano ahm like for example it looks like you are my son and I am your mother", nahihirapan kong paliwanag.
"Really? I want you po to be my another mommy", pasigaw na sabi ni Migs.
Napamulagat naman ako ng mata. Samantalang si kuya naman ay parang sayang-saya sa naririnig. Hmp!
"You don't want po, Tita Ganda?", malungkot na tanong ni Migo nang makita ang reaksyon ko at hindi ko pagsagot.
"A-Ah hindi baby. Siyempre gusto ko. G-Gusto mo akong maging mommy? Paano si Mommy Max mo?", nagaalangan kong tanong.
Nauubos ang brain cells ko sa bilis ng pangyayari.
"Tita Gandaa, you're not listening po", kunwari'y pangaral ni Migs. Mukha itong striktong bata pala kapag nagtatampo.
"I said po kanina na I want you po to be my another mommy. Ofocurse mommy Max will be my forever mommy. And I love her the most. But I want you also po to be my mom", paliwanag nito.
Oo nga naman. Ang bobo ko sa part na yun.
"Baby ilang taon ka na nga ulit?",
"Four years old po, Tita Gandaa", sagot naman nito.
Napangiti naman ako nang alanganin. Jusko nung four years old pa lamang ako ay hindi pa ako ganyan mag-isip at busy pa ako sa paglalaro ng mga barbie dolls pero itong batang ito napakamature na. Kanino ba siya nagmana?
Rinig na rinig ko naman ang malakas na tawa ni kuya kaya napalingon ako sa kaniya.
"Tita Gandaa, you didn't answer me po. I'm gonna sad na po. Look oh my tears are starting to fall na po", pagdadrama ni Migo.
Anak nga talaga siya ni Max. Marunong umarte.
"Ofcourse baby. Okay lang sakin na maging ikalawang mommy mo", nakangiti kong sagot at hinalikan ito sa noo.
"Yehey! They can I call you Mommy Ganda?", masayang tanong nito.
"Hmm how about Mama Ganda?", natutuwa kong tanong sa kaniya.
"Then from now on can I call you Mama Ganda?", nanlalaking mata na tanong ni Migo.
Tumango naman ako. Kaya naman niyakap niya akong muli at hinalikan sa magkabilang pisngi. Napakasweet talaga ng batang ito.
"Instant Mama ka na, bunso. Basted na ba lahat ng manliligaw mo?", natatawang tanong ni kuya.
Naks. Supportive kuya ko sa pagiging ina ko. Sasagot pa lang sana ako nang marinig ko ang boses ni Max kaya naman napalingon ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfic"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...