Chapter 7

1.2K 86 19
                                    

Florence's POV

"Hello ma?"

Bati ko sa kabilang linya nang marinig ang boses ng mama ko. Medyo kadarating ko lang galing sa bahay nila Max.

"Nak, busy ka ba ngayon? Kung hindi, pwede bang uwi ka muna dito?", tanong ng mama ko.

"Bakit po may problema po ba?", nag-aalala kong tanong.

"Wala naman anak. Namimiss ka lang namin. Kaya kung di ka sana busy ngayon ay uwi ka muna dito satin"

"Okay po ma. Miss ko na rin po kayo. Nagbabalak din po talaga akong umuwi dahil tatlong araw po kaming binigyan ng pahinga ng aming management", sagot ko.

"Mabuti naman, anak. Tatlong araw kang malalagi dito. Maghahanda ako ng kunting salo-salo para sa pagdating mo"

"Ma kahit wag na po. Sige po ma. Mag-aayos lang po ako at pupunta na po ako jan", paalam ko.

Nang namatay na ang tawag ay tinawagan ko naman ang handler ko.

"Hello Beth?", bungad ko.

"Napatawag ka?", sagot nito sa kabilang linya.

"Uuwi muna ako sa San Pedro, Laguna. Paalam lang sana ako", sagot ko dito.

"Walang problema. Buti naman at para maenjoy mo naman ang 3 days off mo. Ingat ka. Balitaan mo ako kung may kailangan ka. Huwag ka rin masyadong maglalabas dahil alam mo na hindi ka na gaya ng dati. Mas kilala ka na ngayon. Tawagan mo ako kung may problema. Ano nga palang sasakyan mo papunta dun? Gusto mo ba ihatid kita?", mahabang litanya nito.

"Chill haha. Huwag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng bagay na ikapapahamak ko. Sa sasakyan naman, maggrab na lang ako. Ayoko ng abalahin ka. Saka mas gusto ko magcommute", natatawang sagot ko.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Medyo protective kasi siya sakin.

"Okay. Basta tawagan mo ako kung may kailangan ka. Enjoy ka. Pakikumusta na lang ako kay Tita. Saka pasalubong huwag mong kalilimutan", bilin nito.

"Opo", natatawang sagot ko at pinatay na ang tawag.

Pagkatapos mag-ayos ay naghanda na ako. Hindi na ako nagabala pang magdala ng damit dahil mayroon naman ako dun sa bahay.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang grab car. Nagulat pa ito nang makita ako ngunit binigyan ko lamang ito ng ngiti. Nagpapicture pa siya na agad kong pinagbigyan.

"Dito na lang po kuya. Salamat po", saad ko sa driver ng huminto sa tapat ng bahay namin.

"Salamat din po, ma'am sa picture. Lagi po namin kayong panonoorin ng pamilya ko. Saka po ang anak ko ay fan ng darlentina", nakangiting sabi nito.

Napangiti naman ako at muling nagpasalamat. Gumawa na rin ako ng video greeting para sa kaniyang anak.

Mukhang dumadami na ang shipper namin ah. Hmmm. Kami na lang kaya endgame? Charing.

"Ma, I miss you po", saad ko pagkabukas ni mama ng pinto at niyakap siya nang mahigpit.

"Namiss din kita anak. Abat halong isang buwan ka ring hindi nalagi dito. Halikat pumasok na dahil baka makita ka pa ng mga kapitbahay", saad ni mama.

"Sorry ma. Dami po kasing trabaho kaya hindi agad ako makauwi. Buti nga po dahil binigyan kami ng 3 days pahinga ng management", paliwanag ko.

Sa totoo lang nagulat ako nang marinig ko na may 3 days kaming pahinga dahil kung hindi ako nagkakamali ay may mga nakaline up na trabaho samin.

Kanina lang ako nainform habang nasa biyahe kami ni Max. While si Max parang hindi nagulat sa kaniyang narinig. Curious man ngunit hindi na ako nagtanong.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon