Prologue

2.5K 117 12
                                    

Hindi ko mapigilang mapaluha nang marinig ko ang live interview nina Maxine at Mark. Naninikip ang aking dibdib at pakiramdam ko'y anumang oras ay sasabog ito. Hindi ko matanggap. Ang sakit. Tila paulit-ulit na tinutusok ng kutsilyo ang aking puso.

Isang linggo siyang hindi nagparamdam. Anuman ang gawin ko ay hindi ko siya makausap. Hindi niya sinasagot ang text o tawag ko. Tuwing pupunta naman ako sa kanila ay wala raw siya.

May nagawa ba akong kasalanan?

Ang saya-saya ko pa dahil narinig ko na sa wakas ang mga salitang matagal ko ng inaasam sa kaniya. Ito ba ang kapalit nun? Ang sakit?

Maxine, bakit?

Pagkahinto ng sasakyan ay agad akong bumaba at sumalubong sakin ang nakabantay sa gate, si Mang Rey.

Kitang-kita ko kay Mang Rey na naaawa ito sakin at naguguluhan. Ngunit tila walang magawa. Pinindot ko nang pinindot ang door bell.

"Max kung ayaw mo akong papasukin, pwede bang lumabas ka. Kausapin mo ako", sigaw ko.

"Maxxxxxx, please kausapin mo ako", pag-uulit ko.

"What are you doing here? Why are you shouting?"

Muli akong napaiyak nang marinig ko ang kaniyang boses. I miss her so much. Sa loob ng isang linggo ay labis akong nangulila sa kaniya.

"I miss you, Max! I miss you so much", naiiyak kong wika at niyakap siya nang mahigpit.

"Let.Me.Go.", walang emosyon na wika nito.

Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Wala akong mabasa na kahit na ano.

"B-Bakit Max? May problema ba? Hindi naman totoo yung sinabi mo sa interbyu diba?", wika ko at nagsisimula na namang magkarerahan ang mga luha ko sa pagpatak.

Hindi ito sumagot at tumingin lang sakin. Walang ekpresyon ang mukha niya.

"Max, please tell me. Hindi yun totoo diba? Hindi totoong nagkabalikan na kayo ni Mark, tama ba? Okay naman tayo e. Sabihin mo sakin Max please hindi kayo nagkabalikan ni Mark, diba?", halos pasigaw kong tanong sa kaniya.

"What I said in the interview is true", sagot naman niya at parang wala lang sa kaniya.

"T-True? Paano ako? Paano tayo? Max wala lang ba tayo?", kinakabahan kong tanong.

"Stop dreaming, Miss De Leon. I never agree being in a relationship with you", patuya nitong sabi.

Parang sinaksak nang paulit-ulit ang puso ko sa mga salitang binitawan niya. Napangiti ako nang mapait. Oo nga naman.

"M-Max, ito na ang huling pagpapakatanga ko sayo. Mahal kita pero tama na. Ayoko na. Ang sakit sakit mong mahalin", saad ko at pinunasan ang aking luha.

Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot at agad ng pumasok sa loob ng sasakyan kahit basang-basa ako ng ulan. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

"Darna, nagagawa mong iligtas ang ibang tao sa kapahamakan pero bakit hindi mo magawang iligtas ang iyong sarili mula sa kapighatian?"

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon