Chapter 4

1.3K 82 30
                                    

Florence's POV

Kinuha ko muna ang phone ko habang hinihintay na magsimula ang Darna. Ngayong gabi lalabas si Valentina kaya naman inaantabayanan ko.

"Wow hindi pa man nagsisimula, trending na agad siya", bulong ko sa sarili.

Agad akong umayos ng pagkakaupo nang magsimula na ang palabas. Bumilis ang pintig ng puso ko hindi dahil sa kaba kundi dahil excited na ako makita ang reaksyon ng mga tao kapag nakita nila ang husay sa pagganap ni Max kay Valentina.

Halos manindig ang aking mga balahibo nang lumabas na si Valentina. At kahit nakita ko na ang anyo niya sa personal, nakaramdam pa rin ako ng takot at pangamba sa hitsura niya. Samahan pa ng galing ng pag-arte ni Max. Mukha siyang kumpol na ahas na tinubuan ng mukha.

Sa totoo lang ay takot ako sa ahas. Nakakadiri. Pero kung si Maxine lang naman ang magiging ahas, handa akong magpagapang at magpatuklaw. Haha. Charing!

Napapalakpak naman ako nang matapos ang palabas. Binuksan ko agad ang phone ko at tiningnan ang twitter. No. 1 trending si Valentina kaya naman nais ko ring makisali sa mga tweets ng madlang pipol.

Nag-isip naman ako ng kung ano ang ilalagay ko. Pagbati ba? Papuri? Ngunit naalala ko ang huling sinabi ko sa kaniya. Napangiti ako sa naisip kong gagawin.

Nagtweet agad ako. Maya maya ay halos sumabog ang notifications ko sa dami ng naglike, comment at retweet.

Natawa naman ako sa mga nabasa kong komento. Paano ba naman ang laman ng tweet ko ay ganito.

"Pakagat ako, Valentina"
#DarnaValentina

Totoo naman yun. Handa talaga akong magpakagat kung si Valentina naman ang kakagat. Magrerequest pa ako. Choke me more, Valentina! Joke ulit.

Ngunit napawi ang ngiti sa labi ko nang mabasa ang reply ni Maxine at napalitan ng pagraragasa ng puso ko. Pakiramdam ko'y naninikip ang aking dibdib at anumang oras ay kakawala ang puso ko mula sa aking rib cage.

"Be careful what you wish for, Darna",

Ito ang caption ni Max ng niretweet niya ang sinabi ko. Acccck. Yung puso ko parang nagwawala.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Pinakalma ko ang aking sarili at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na pangiti-ngiti na tila baliw habang nakatitig pa rin sa screen ng phone ko.

Paano ba makagat ng isang Maxine Salvador?

Jusko. Parang ayoko ng maging tagapagligtas. Gusto ko na lang tapak-tapakan niya. Hahahaha.

Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko.

"Hello Torie?", tawag ko sa kabilang linya.

"Hoy bading, hindi ko kinaya ang tweets ninyo ni Maxine sa isa't isa", tumitiling sabi nito.

"Ha?", naguguluhan kong tanong.

"Ayy bobita! Sabi ko hindi ko kinakaya ang tweets ninyo ni Maxine sa isa't isa", malinaw na bigkas ulit niya.

"Naku! Joke joke lang yun", saad ko.

"Joke mo mukha mo! Kilala kita Florence! Akala mo ba hindi namin napapansin kung paano mo madalas titigan si Maxine?", tanong nito.

Ha? Ganun ba ako kaobvious? Lagi ko ba siyang tinitingnan? Hindi ko kasi namamalayan.

"Basta ako ang president ng fanclub ninyo. Layag na layag ang barko", tila kinikilig nitong sabi.

"Anong fanclub ba ang tintukoy mo? Saka anong barko?", takang tanong ko.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon