Chapter 6

1.2K 98 52
                                    

Florence's POV

Nagising ako nang maramdaman kong may yumakap nang mahigpit sakin. Unti-unti kong iminulat ang aking mata at labis ang aking gulat ng magandang mukha ang bumungad sakin.

Nasa langit na ba ako?

Pigil ang hininga na pinagmasdan ko si Max. Naalala kong nakatulog na pala ako dito kagabi.

Lalo kong inilapit ang sarili sa kaniya at hinawakan ang mala porselanang pisngi nito. Sulitin na natin dahil tulog siya.

Napakaganda ng mukha nito habang natutulog. Medyo kumikibot pa ang mga labi nito kaya napapangiti ako. Ang cute niya!

Ang sarap sigurong gumising araw-araw nang ganito. Yung pagmulat mo ng mata, anghel agad ang masisilayan mo.

Pinag-aralan ko ang mukha ni Max. Mula sa pilik mata, ilong, at tumagal nang kunti ang tingin ko sa kaniyang mga labi. May kung anong kuryente ang dumaloy sa kalamnan ko kaya naman iniiwas ko ang tingin dito.

Tiningnan ko siyang muli ngunit agad nanlaki ang aking mga mata dahil saktong pagtingin ko sa kaniya ay pagmulat din ng kaniyang mata.

"Araaaaaay!", saad ko ng mahulog ako sa kama.

Tumingin ako nang masama sa kaniya. Paano ba naman paggising agad nito ay itinulak agad ako papalayo. Ang sakit tuloy ng pwet ko.

"W-What are you doing here? At a-anong ginawa mo s-sakin?", nauutal at inis na tanong nito.

"Hoy Max! Wala akong ginawa sayo nuh. Saka hindi mo ba naalala yung kagabi?", nagtitimpi kong saad dahil ang sakit talaga ng pwet ko mula sa pagkakahulog. Nakuu Max kung di lang kita ano. Naku.

"W-hat do you mean? What happened last night?", tila kinakabahang tanong nito.

Gusto ko muna sana siyang asarin ngunit mukhang wala siya sa mood kaya wag na lang.

"Nakatulog kayo kagabi ni Migo. Nung aalis na sana ako ay hinawakan mo ang kamay ko at sabi mo "stay"', paliwanag ko.

Nagulat naman siya sa sinabi ko. Marahil tama nga ako. Maaaring nananaginip siya kagabi at nagkataon lamang na ako ang kasama niya nang mga oras na iyon.

"Did I say that?", pagkukumpirma nito. Tumango naman ako habang hinihimas ang pwet ko.

"R-Really?", tanong nito na parang ang sarili niya ang tinatanong. Tumango naman ulit ako. Kulit nito.

"I'm sorry! Maybe I had a dream last night and I mistook you for someone else", wika niya.

Mistook you for someone else.

For someone else.

Someone.

Hindi ko maintindihan ngunit ang kaninang kasiyahan na nararamdaman ko nang magising ako ay biglang naglaho.

"B-Baba na ako", saad ko at dali-daling lumabas. Pakiramdam ko'y naninikip ang dibdib ko.

Tumungo ako sa guestroom. Naghilamos ako at nagpalit na rin ng damit. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina. Nadaanan ko naman si Migo sa sala habang naglalaro kasama ang yaya nito.

"Good morning baby", bati ko sa kaniya.

"Good morning, Tita Gandaa!", masiglang bati nito.

"You hungry?", tanong ko ng makalapit.

"I'm already hungry na po kasi I'm waiting na magising na kayo ni Mommy so we can eat together", malambing na sabi nito at hinalikan ako sa pisngi. Jusko. Napakalambing ng batang ito. Pwede ko bang ampunin?

"You should have wake up us baby para di ka hungry. Anyway whats your favorite? I'm gonna cook it for you para makabawi sayo", nakangiting sagot ko at ginulo ang buhok niya.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon