Florence's POV
Dalawang araw na ang nakalilipas nang huli kaming magkita ni Max. Sa kabutihang palad, hindi kami magkasama sa taping.
Ilang beses siyang nagtangkang kausapin ako ngunit umiiwas ako. Tuwing pupunta siya ng condo ay hindi ko pinagbubuksan at nagkukunwaring walang tao. Kapag tinatawagan naman ako nito ay hindi ko sinasagot.
Hindi ko naman gusto itong ginagawa ko pero kinakailangan. Hindi ko naman siya susukuan. Gusto ko lang magpalamig. Gusti ko lang magpahinga at magisip-isip para hindi ako mapagod. At kung mapagod man, magpapahinga lang ako at muli akong babalik.
"Florence, okay ka lang? Kanina ka pa tulala", rinig kong saad ng handler ko kaya napalingon ako sa kaniya.
"Oo naman. Okay na okay", pilit ang ngiting saad ko.
"Oo nga pala, magready ka na. Susunod na ang eksena ninyo nina Maxine", sabi nito kaya nanlaki ang aking mga mata.
"K-Kasama si Max?", gulat kong tanong.
"Hindi mo alam? Lutang ka kasi lagi", dagdag nito.
Napangiti na lang ako nang alanganin dahil sa sinabi ng handler ko. Wala talaga akong kaalam-alam na magsasama kami ngayon. Kung alam ko lang.
Nang dumating si Max ay iniiwasan ko ang mga tingin nito. Sa tuwing magtatangka itong lumapit ay nagkukunwari akong abala.
Buti na lang kapag kukuhan na kami ng eksena ay parehas kaming professional kaya hindi naman nagkaroon ng problema at walang nakahahalata. Parehas kaming magaling sa pagdala ng sarili namin sa harap ng kamera.
Nang mabigyan kami ng break ay agad akong umalis at tumungo sa lilim ng punong-kahoy. Doo'y umupo ako hawak-hawak ang script. Binasa ko na ito pero siyempre kailangan ko ng dahilan para makaiwas kay Max.
"Anong ginagawa mo diyan?", rinig kong tanong ni Kim kaya napalingon ako.
Si Kim ay isa mga kasamahan kong artista na cast din ng Darna. Hindi kami nagkakalayo ng edad kaya naman kahit papaano'y close kami.
"Naliligo", pabiro kong sagot dito dahil kita naman na nagbabasa ako, itatanong pa. Charing!
"Gusto mo tulungan kita?", saad nito at itinuro ang script na hawak ko.
"Salamat, Kim. Pero hindi na. Kaya ko na ito", nakangiti kong sagot.
"I insist. Halika na para mas mapadali ang pagpractice mo", saad nito at kinuha ang script na hawak ko. Hinayaan ko na lamang ito. Kinuha na ang papel eh.
Medyo naawkwardan lang ako sa pagpapalitan namin ng mensahe ni Kim dahil nagkataon na ang kukuhan pala ng eksena ay eksena naming dalawa ni Josh. Ako siyempre ang gumaganap bilang Narda at si Kim naman ang gumaganap na Brian Robles.
Habang nagpapractice kami ni Kim ay hindi ko namalayan na ang kamay nito ay nakahawak na sa pisngi ko. Kasali ba ito sa script?
Napatingin tuloy ako sa kaniya. Titig na titig ito sa akin. Hindi ko mawari kung ganito ba talaga siya magpractice dahil ang mga tingin nito'y tila nanghahalukay ng pagkatao.
"Ganda ko nuh?", pagbibiro ko kay Kim para mawala ang awkwardness na nararamdaman ko.
"Hindi lang maganda. Napakaganda", nakangiti na sabi nito.
"I know right", natatawang pagsasakay ko sa kaniya dahilan para matawa rin ito. Minsan weird din itong babae na ito e.
Napatigil lang kami sa pagtatawa nang maramdaman kong may presenya na nakatayo sa aming harapan.
"M-Max?", nauutal kong sambit nang makita ito.
"The director is looking for you", walang emosyong saad nito.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...