Chapter 18

1.5K 115 131
                                    

Florence's POV

Hindi ko alam kung paanong nakarating kami ni Max sa condo nang matiwasay. Habang nasa loob kasi ng kotse ay sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi lang dahil sa isinisigaw nito si Max (segway) kundi dahil sa tensyon na namamagitan sa aming dalawa pagkatapos ng mainit na halikang naganap sa sasakyan.

"L-Ligo lang ako", saad ko nang makapasok agad ng condo ko. Dito na kami dumiretso since si Migo ay kasama ng daddy nito.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad akong dumiretso sa shower room. Kailangan kong pahupain ang init na nararamdaman ng katawan ko. Hindi ito maaari.

Ding! Hindi ko alam na ganito pala mahalikan ng isang Maxine Salvador. Bagamat lasang-lasa ko ang alak na kaniyang ininom ay nangingibabaw pa rin ang tamis ng kaniyang labi. And actually its a different sensation pala kapag nakainom ang kahalikan mo.

Napahawak ako sa aking labi habang inaalala ang nangyari kanina. Sa ikalawang pagkakataon, hinalikan akong muli ni Max.

"Florencio, what is taking you so long?", rinig kong tanong ni Max pagkatapos nitong kumatok.

Ayaw ko pa man lumabas ay napilitan na akong magtapis. Hindi ko kasi namalayan na mahigit isang oras na pala akong nakatunganga sa shower.

Muntik ko pang mamura ang sarili ko nang marealize na wala pala akong dalang damit dahil sa pagmamadali ko.

Ang tanga lang!

Kaya naman dahan-dahan akong lumabas ng shower room. Pagpasok ko ng kwarto ay nakataas na kilay ni Max ang sumalubong sakin.

"I thought you were going to sleep there", saad nito at pinasadahan ako ng tingin. Kitang-kita ko ang paglunok nito bigla at matagal na pagtitig sa aking katawan.

Ang mata mo, Valentina! Wag kang ganyan tumingin. Marupok ako. Ikaw ang kakagatin ko.

"A-Ano b-bihis lang ako", nauutal kong saad at dali-daling pumunta sa closet ngunit sa kamalas-malasan ay nadulas pa nga ako.

Handa na akong halikan ang sahig nang maramdaman ko ang mga kamay ni Max na sumalo sakin mula sa pagkakahulog.

Sana saluhin niya rin ang puso kong hulog na hulog na!

"T-Thank you", hindi makatinging sabi ko.

"Be careful, Florencio", saad nito na ang mga mata'y titig na titig sa mga labi ko. Ayan na naman po siya. Mapapahamak ako sa kakaganyan niya.

Kailangan ko tuloy iremind ang sarili ko na bawal pa ang kiss dahil hindi pa kami at nirerespeto ko siya.

Sa pag-iisip ay hindi sinasadyang nakagat ko ang aking labi dahil sa sensasyong nararamdaman ko sa mga tingin niya.

"C-Can I kiss you?", namumungay ang mga matang tanong nito.

Hindi.

Hindi pwede.

Hindi ako bibigay.

Hindi ako magpapadala sa mga mata at boses niya.

Label muna bago kiss sabat ng isip ko.

"F l o r e n c i o", dahang-dahang pagtawag nito sa pangalan ko at tila ang senswal na pagkakasabi niya.

O baka marumi lang talaga ang utak ko?

Nahihiyang tumango naman ako. Kiss lang naman po.

Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang mga labi ni Max na dumampi sa aking labi. Napakalambot.

Ilang segundo itong magkalapat hanggang sa unti-unti na siyang gumalaw at tila nang-aanyaya ang kaniyang dila na pumasok sa aking bibig kaya naman walang pag-aalinlangan naman akong tumugon.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon