Florence's POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang marinig ang mga isiniwalat ni James. Dinig ko ang lakas ng tibok ng puso kong naghihinagpis sa pinagdaanan ni Max.
"Please forgive me, Florence", ulit nito.
"James, sa totoo lang labis akong nagagalit sa ginawa mo. At kung ako ang tatanungin, hindi ko matatanggap agad ang paghingi mo ng tawad. Pero hindi ako ang dapat mong hingan ng tawad. Si Max dapat. Siya ang naipit at nagdusa sa pagiging makasarili mo", matapat kong sagot.
"Y-Yeah. I know. Because of my selfishness I hurt the woman I loved. I hurt the both of you. So please, Florence, do me a favor. Never hurt her. Never leave her", pagsusumamo nito.
"Hindi mo kailangan sabihin yan, James. Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat huwag lang siyang masaktan", pagpapaliwanag ko.
"I'm sorry again", wika nito at tuluyan nang umalis.
Pagsapit ng alas-singko ay naghanda na ako. Mayroon kaming press conference ni Max. Dahil sa ginawa niya nung nakaraang linggo ay nagkagulo ang buong bansa at halos gawin ng mga reporters lahat para lamang mainterview
kami parehas.Sa totoo lang, gusto ni Max na siya na lamang ang magpainterbyu dahil siya naman ang nagsabi nito sa publiko nang wala akong pahintulot pero gusto ko siyang samahan. Gusto ko kaming dalawa. Sabay naming haharapin ang lahat ng ito.
Kusang sumilay ang guhit sa aking mga labi nang makita ang napakagandang babaeng nagpabago ng pananaw ko pagdating sa pag-ibig.
"I miss you, luv", wika agad nito at niyakap ako. Ginantihan ko rin siya ng yakap.
"Miss na miss din kita", nakangiti kong saad. Ilang araw din kaming hindi nagkita simula nang makabalik kami ng Manila. May mga dapat raw siyang asikasuhin at ganundin naman ako. Yun nga lang, hindi kasama dun ang lumabas dahil pinagpipiyestehan kami ng media.
Si Max na ang nagdrive ng kotse papuntang location namin. Nahirapan kaming makapasok sa loob ng hall dahil napakaraming fans ang nag-aabang sa entrance.
Dahil sa kanila, ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito ay naglaho. Akalain mong yun, sino ang mag-aakala na maraming mga tao ang susuporta sa aming dalawa? Sino ang mag-aakala na isiship ang isang bida at kontrabida, parehas babae pa?! Napangiti ako sa aking naiisip.
Nang makarating kami sa loob ay napakaraming reporters and photojourn ang nag-aabang. Mukhang kanina pa ata sila naghihintay ngunit hindi naman kami late.
Ngumiti ako sa mga taong nasa harapan ko bago ako umupo. Pagsulyap ko kay Max ay tila kinakabahan siya. Hindi nga ako nagkakamali dahil pagtingin ko sa kamay nito ay nanginginig.
Hinawakan ko ang kaniyang palad at pinisil. Lumapit ako sa kaniyang tainga saka bumulong.
"Nandito lang ako, mahal ko", tanging sambit ko. Damang-dama ko ang mga flash na tumatama sa aming dalawa at mga tunog ng pagkuha ng larawan.
"Thank you, luv. Lets do this", mukhang nakahinga na wika nito.
"Mamaya na kayo maglandian. In 1 minute, start na tayo", nakataas ang kilay na sabi ng handler ko kaya parehas kaming natawa ni Max.
"Miss Salvador, isang malaking rebelasyon ang isiniwalat mo isang linggo na ang nakararaan. Ang tanong ng bayan, ito ba ay pawang mga katotohanan?", tanong ng isa nang magsimula kami.
"Yes. I love Florencio.", tipid na sagot ni Max dahilan para mapasinghap ang mga taong naririto sa hall.
"Follow up question, Miss Salvador, sa iyong palagay, paano ka nagsimulang magkaroon ng feelings kay Miss De Leon?", dagdag pa nitong tanong.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...