Chapter 37

1.5K 98 45
                                    

Florence's POV

Nagising ako nang maramdaman kong may mabangong ulo na sumisiksik sa aking leeg. Hindi ko maunawaan ngunit pamilyar at nanunuot ang amoy ng kaniyang buhok sa aking ilong.

Bagamat medyo inaantok pa rin, sinubukan kong imulat ang aking mga mata. At sa aking pagdilat, isang napakagandang babae ang nakasiksik sa aking leeg at nakayakap sa aking tiyan.

Oo nga pala. Dito siya sa condo ko natulog.

Ang antok na kanina'y nararamdaman ko'y nawala. Hindi ko mawari mgunit hindi pa man nagsisimula ang araw ay punong-puno na ako ng enerhiya.

Ganito ba ang nagagawa ng gumising sa tabi ng taong mahal mo? Kung gayo'y nanaisin kong pumikit sa gabi at imulat sa umaga ang aking mga mata na siya ang katabi at kasama.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang napakaamong mukha nito bagamat bakas pa rin sa mukha nito ang labis na pag-iyak.

Naputol ang pagtitig ko nang marinig ko ang pagtunog ng phone ni Max. Nais ko man siyang gisingin ngunit alam kong kailangan pa niya ng tulog.

Ilang minuto pa ang itinagal ng tawag at maya-maya'y huminto nang muli.

Dahan-dahan ko siyang inilapit lalo sa akin at hinaplos amg kaniyang buhok. Maingat na hinalikan ko siya sa noo. Pagkatapos ay niyakap ko siya nang mahigpit.

"G-Good morning, luv", rinig kong boses ni Max.

"G-Good morning din, luv este tam. Nagising ba kita?", nag-aalala kong tanong.

"I'm good. Kanina pa po ikaw gising?", namumungay ang mga matang tanong nito.

Napahigit naman ako ng aking hininga. Unfair! Bakit ang ganda niyang gumising? Bakit ako kapag nagising mukhang kagagaling lang sa giyera!? Hmp!

"Luv, are you okay? You're spacing out", wika ni Max.

"O-Okay lang ako. Kanina pa ako gising at pinagmamasdan ka", nakangiti kong saad.

"Really? You're making me kilig. I love you", malambing na saad ni Max at dinampian ako ng halik sa labi.

"Mahal din kita", nakangiting ganti ko.

Ngumiti rin siya at muli akong dinampian ng halik. Hindi ako confident sa hininga ko pero aatras pa ba ako sa biyaya? Joke.

Naputo lamang ang aming ginagawa nang marinig kong muli ang pagtunog ng phone ni Max.

"Max, kanina pa may tumtawag sayo. Baka importante", biglang wika ko.

"Hmm okay", saad nito kaya naman kinuha ko ang phone at iniabot sa kaniya.

"My manager", biglang sabi ni Max nang makita ang screen ng phone.

"Gusto mo bang lumabae muna ako?", untag ko.

"No. Just stay here. With me", malambing na saad nito kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti.

Sinagot nito ang phone habang nakayakap sa akin nang mahigpit. Clingy ang person.

"What are you talking about?", rinig kong tanong ni Max sa kabilang linya. Magkasalubong ang mga kilay nito. Ano kaya ang pinag-uusapan nila.

"Whaaaaat!?", halos pasigaw nito kaya naman napalayo ako.

"May problema ba?", nag-aalala kong tanong.

"N-None. I mean hindi ikaw ang kausap ko. Yeah. I'm with her", sunod-sunod na sabi ni Max sa kausap habang nagsesenyales na mamaya na kami mag-usap.

"I was surpised but its okay. I'll handle it", saad ni Max.

"Yeah. Sure. Bye", wika nito at pinatay na ang tawag.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon